Andrea, tinapos na ang pamamahinga sa teleserye

Matagal-tagal ding napahinga si Andrea Torres sa pagbida sa teleserye, kaya natuwa ito na muli siyang mapapanood sa Akusada na ididirek ni Dominic Zapata.
Huling napanood si Andrea sa Love Before Sunrise noong 2023 pa. Nagpahinga raw muna ang Sparkle actress para asikasuhin ang kanyang business at mag-travel kasama ang pamilya. Ngayon ay ready na raw siyang magtrabaho dahil na-miss niya ang gumawa ng teleserye.
Cassy at Mavy, kabado sa kanilang pamilya serye
Magbibida na ang buong Legaspi Family sa upcoming GMA teleserye titled Hating Kapatid. Ito nga raw ang unang pagkakataon na magsasama sa isang serye ang mag-asawang sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi kasama ang kanilang kambal na anak na sina Cassy at Mavy Legaspi.
Sa naganap na story conference, nagpapasalamat si Carmina dahil sa napakagandang proyekto para sa kanila.
Thankful din sina Cassy at Mavy na makatrabaho ang kanilang parents sa isang drama series.
Hollywood icon Barbra Streisand, may nadiskubreng mutant breed ng rose
May pinangalan na mutant breed of rose flower sa Hollywood icon na si Barbra Streisand.
Natagpuan ang bagong variety ng bubble-gum pink rose sa yard ng multi-Grammy Award winner sa Malibu, California.
Ang gardener na si Dan Bifano ang nakadiskubre sa pink rose na nag-mutate mula sa dark red Lasting Love rose plant ng 83-year-old singer-actress.
Binigyan ito ng name na Barbra’s Baby ang naturang bagong variety ng roses at mabibili na ito sa mga kilalang flower shops sa California.
- Latest