Andrea, umaming ‘rebellious’

MANILA, Philippines — Medyo pula, medyo hinog, medyo suwail.
Ganito ang caption ni Andrea Brillantes sa isa sa kanyang series of posting na may nakasubong bubble gum and cherry.
Sexy nga naman kung saan nauna na niyang inamin sa isang interview na opisyal na pagpasok niya sa “dating era.” Kamakailan ay ipinagdiwang ng aktres ang kanyang 22nd birthday na in a way ay kinumpirma niya na sila ni Sam Fernandez ay nagde-date na.
Sa kanyang isa sa mga post, ibinahagi ni Andrea ang isang carousel birthday photos, na mabilis napansin ng kanyang followers kung saan kabilang sa snaps niya ang nasabing former athlete na nagpa-excite sa kanyang fans.
Anyway, kamakailan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang mapangahas na karakter ni Andrea sa bagong yugto ng FPJ’s Batang Quiapo, kung saan nakakuha ng tatlong milyong views sa loob lamang ng 24 oras ang mapusok na eksenang nakasuot siya ng sexy dress habang nakikipaghalikan sa karakter ni Jake Cuenca.
Singtindi ng aksyon sa hit Kapamilya teleserye ang tapang ni Andrea sa desisyon niyang sumabak sa isang palaban na karakter, na aniya’y malayung-malayo sa mga papel na ginampanan niya noon.
“Mas daring siya compared sa iba kong mga role. Mas level-up siya and mature. Personal decision ko na gawin ‘to. This is my first time doing something na physically intimate. This is a new path for me and alam ko naman na aalagaan ako dito sa Batang Quiapo,” sabi ng aktres sa isang TV Patrol interview kamakailan.
Anak ni Mark Leviste nakisimpatiya, pinuri-puri si Kris
Ahhh bumisita pala kay Kris Aquino ang anak ni Batangas Vice Governor Mark Leviste na si Ronin Leviste.
Ex ni Kris si VG Mark.
At posted ito sa Facebook page ni Ronin na sumusunod na rin sa yapak ng kanyang ama na pulitiko.
“Sweetness overload si TK (Tita Kris)! Binisita namin ni Andrea si Tita Kris matapos ang aming trabaho sa Batangas. Kahit masama ang pakiramdam niya, siya mismo ang naghanda ng dinner para sa amin at pinaghanda pa kami ng super sarap na lechon galing Tarlac! Extra special tuloy ang aming naging date night dahil kasama namin ni Andrea ang aming future Ninang,” umpisa ni Ronin.
“Hindi man sila nagkatuluyan ni Dad, nanatili naman silang magkaibigan; naghiwalay sila ng walang sama ng loob sa isa’t-isa, at hindi mawawala ang aming pagmamahal kay TK, Bimb, at Kuya Josh. Palaging nandiyan si TK para sa amin. Lagi kaming may kwarto sa kanilang tahanan at lagi silang handang tumulong sa lahat ng aming pangangailangan,” dagdag niya.
“Minsan natutulog kaming lahat sa isang kwarto laang [last frame]. Sabi pa nga ni TK, kapag okay na siya ulit, gusto niyang sumama sa aking pag-ikot sa Lian para makilala niya ang aking mga katrabaho at kababayan, pati na rin para tumingin ng mga beachfront properties na pwede nilang lipatan. Gusto rin maranasan ni TK ang mag-bbq sa balsa sa amin sa Matabungkay!
“Para sa hindi pa nakakaalam, si Tita Kris, Bimb, at Kuya Josh ang nag-sponsor ng bagong e-library natin sa Matabungkay National High School na naging proyekto ng aking bunsong kapatid na si C2.
“TK, patuloy kaming nagdadasal para sa iyong mabilis na paggaling! Thank you for everything you’ve done and continue to do for me, my dad, Andrea, and my siblings. Maraming salamat din po sa lahat ng mga kababayan natin na nagdadasal para kay Tita Kris at palaging nangangamusta sa kanyang pamilya. We’re always so happy to see you happy and beautiful. We are all here for you! Keep fighting po! Love, love, love!,” ang buong post ng anak ng ex ni Kris.
Kamakailan ay nag-post ang anak ng ex ni Kris na si Dr. Michael Padlan bilang sagot sa ipinost ni Kris na hindi siya minahal ng ex niyang doctor.
Isang mahabang sulat ang ipinost nito upang ipagtanggol ang ama ng anak ni Dr. Padlan.
Ang hindi na talaga nagparamdam ay ang isa pang ex ni Kris na former politician na si Mel Senen Sarmiento.
Vice, may unkabogable garage sale
Tiyak na tiyak na dadagsain ang garage sale ng mag-jowang Vice Ganda at Ion Perez.
Mga branded diumano ang ibebenta nila para sa mga scholar ni Vice.
Lalo na at posted ito sa social media pages ni Vice : “Welcome to my UNKABOGABLE garage sale! I-check out at i-mine na ang brand new and pre-loved items ko at ni Ion with great selections of branded clothing and shoes!
“See you this coming March 27 to March 30, 2025, 10AM to 6PM sa 33 Sct. Santiago, Diliman, Quezon City!
“Entrance fee is Php 50!”
Nauna nang nagpa-garage sale si Kathryn Bernardo na grabe raw ang dagsa ng fans.
Pati raw mga pantulog ni Kathryn na branded nabenta sa nasabing garage sale.
- Latest