Barbie, nagpasalamat kay First Lady Liza

Nabanggit na kaya ni Piolo Pascual kay First Lady Liza Marcos na mina-manifest niya na gumanap na Ferdinand Marcos Sr. sa pelikula?
Nagkita sina Papa P at si First Lady Liza Marcos sa ginanap na Manila International Film Festival (MIFF) sa Los Angeles, USA.
Suportado ng Unang Ginang ang pagpapalabas ng mga pelikulang Tagalog sa ginanap na MIFF na kabilang ang pelikula ni Piolo na The Kingdom.
Sabi ni FL Liza sa kanyang post: “Participation in the Manila International Film Festival [MIFF]: Thanksgiving dinner in honor of Filipino film industry talents,” kalakip ang ibang photos niya sa nasabing event.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing thanksgiving dinner sina Piolo, Boots Anson-Roa, Roselle Monteverde (Regal Entertainment) at marami pang iba.
Samantala, may selfie naman si Alexa Miro kay FL Liza. Si Alexa ang sinasabing diumano’y girlfriend ni Cong. Sandro Marcos na isa sa mga bida sa pelikulang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.
Nagpasalamat naman si Barbie Imperial kay FL Liza. Dumalo rin si Barbie sa MIFF.
Post nga ni Barbie: “an unforgettable evening of gratitude and celebration! honoring the incredible directors, actors, and talents behind the filipino film industry. thank you madam first lady @lizamarcos for inviting me. truly an unforgettable night.”
Kasama rin sa mga dumalo sa thanksgiving dinner ng MIFF si Barbie tho wala akong idea kung may pelikula ba siyang kasali sa MIFF.
Hindi naging exclusive for Metro Manila Film Festival entries ang nasabing event dahil may mga pelikulang ipinalabas na walang koneksyon sa MMFF 2025.
Pero sa totoo lang, ang daming artista nagsidalo sa MIFF this year kahit sinasabing ang daming nagsasabi na hindi ito organisado.
- Latest