^

Pang Movies

Dawn, na-enjoy ang pagiging army sa Korea!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dawn, na-enjoy ang pagiging army sa Korea!
Dawn Zulueta at Ayisha

Ang bongga ni Dawn Zulueta at daughter niyang si Ayisha Lagdameo na binisita ang mga lugar na may kaugnayan sa bandang BTS sa South Korea.

Nakakatuwa ang bonding nilang mag-ina at suportado ni Dawn ang fangirling ng anak sa boy band bilang ARMY.

Pati nga ang isang restaurant na madalas puntahan ng banda noong training days nila ay pinuntahan nila.

Pumunta rin sila sa isang café na dating dorm ng BTS bago gawing shop.

Ang cute nga ng misis ni Antonio “Anton” Lagdameo Jr. na bagets na bagets sa pag-fangirl kahit tinatapos pa ng mga miyembro ng banda ang kanilang mandatory military service.

At ang bongga dahil wala pa rin talagang kupas ang ganda ni Dawn.

Parang habang tumatanda ay parang mas bumabata pa ang hitsura niya kahit puti pa ang buhok niya.

Naalala ko na naman tuloy na ang sarap kasama ni Dawn sa biyahe nang pumunta kami sa Guam.

Nakita ko noon kung gaano siya ka-sweet at thoughtful. 

Isa siya sa mga kilala ko na hindi nagbabago ang ugali.

Bongga.

DAWN ZULUETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with