^

Pang Movies

Salpukan nina Coco at Christopher, nagtala ng 12 million online views!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinutukan ng sambayanang Pilipino ang maaksyong episode ng FPJ’s Batang Quiapo noong Biyernes (Pebrero 21), kung saan nagtala ito ng mahigit 12 milyong total views sa YouTube sa loob lamang ng dalawang araw. Record-breaking din ang episode dahil mahigit isang milyong Pilipino ang sabay-sabay na nanood sa Kapamilya Online Live sa YouTube na may 1,004,554 all-time high peak concurrent viewers.

Ito ang unang beses na umabot sa isang milyon ang sabay-sabay na tumutok sa serye sa pamamagitan ng naturang livestream. Ito rin ang ika-apat na magkakasunod na gabi kung saan nagtala ang serye ng lampas 800,000 live concurrent viewers.

Sa pinakahuling episode, tinutukan ng viewers ang umaatikabong ratratan kung saan walang humpay ang maaaksyong engkwentro ng mga karakter nina McCoy De Leon, John Estrada, Christopher De Leon, at Coco Martin. Pinakita rin dito ang matagal nang inabangan na muling paghaharap ng mortal na magkaaway na sina Tanggol at Ramon (Coco at Christopher), kung saan isiniwalat na sa kanila ang pasabog na rebelasyon na sila ang tunay na mag-ama.

Patok na patok sa netizens ang makapigil-hiningang episode kung saan iba’t ibang reaction videos ang ibinahagi nila sa social media.

Sa mga susunod na episode ng FPJ’s Batang Quiapo, lalong titindi ang banggaan ng mga magkaaway dahil magsasanib-pwersa na sina Tanggol at Ramon para sa nakatakdang mas malaking bakbakan.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

BATANG QUIAPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with