Sam galit kay Moira, nagsalita sa third party sa kanila ni Catriona?!

AT LEAST Salve, nagsalita na si Sam Milby tungkol sa naging ending ng relasyon nila ni Catriona Gray.
Sayang dahil engaged na sila noon pang 2023. “Kami ni Cat, we’ve always been private about our relationship. We share certain things no’ng na-engage kami. But in terms of the details, ang buhay namin, we haven’t really shared,” sabi ni Sam sa interview ni MJ Felipe.
Nag-trending pa ang video ng beauty queen na umiiyak habang nanonood ng concert ni TJ Monterde. “If you wanna ask her what she was feeling, I can’t speak for her. I know that we’re okay. Kahit after ng concert I said, I’ll go to the backstage. ‘coz we’re okay,” sabi pa niya sa interview na pinapanood sa akin.
May isnaban din pala sa at hindi raw pinansin ng Miss Universe 2018 si Moira dela Torre. Kaya ayun nanghula ang netizens na baka ang singer ang posibleng dahilan ng hiwalayan nina Sam at Catriona. “There was never a third party sa amin ni Cat. That needs to be cleared. There is no truth to it at all. It makes me sad, may babala ako sa mgatao. Please mag-ingat kayo sa mga nakikita n’yo sa online. If there’s no evidence, ‘wag n’yong paniwalaan ‘yung nakikitan’yo because in this incident, there’s absolutely no truth to it all,” paglilinaw ng aktor.
Pero sabi naman ni Sam ay talagang naging malapit sila ni Moiranung nagsisimula pa lamang ang singer sa show business. “Sobrang close kami before and I guess people wanted to connect our closeness to may nangyari sa amin. We are not friends anymore. It’s an issue that’s really sensitive,” dagdag pa ni Sam.
- Latest