Kim, gusto nang makipag-s.. kay Paulo!

Pasabog ang trailer ng pelikulang My Love Will Make You Disappear starring Kim Chiu and Paulo Avelino.
As in tagos ang kiligan. Ibang--iba ang mga eksena at dialogue ni Kim sa mga nauna niyang ginawang pelikula lalo na nang sabihin niya ang linyang ‘gusto ko nang makipag-s...’ at ‘ipinasok mo sa cookie ko.’
Hahaha. Bongga.
Kahit sa ginanap na media conference nito kahapon, talagang napuno ng kilig.
Pero aminado si Kim na ito na ang pinaka-mahirap niyang romcom movie at kinakabahan siya tuwing darating sa shooting.
Ang dami niya raw natutunan dito na kailangan niya sa totoong buhay. Dahil may suntok ang character niya at hindi lang basta pakilig.
At talagang tinodo na raw nila rito at ibang-iba ito sa mga teleserye nila - Linlang and What’s Wrong with Secretary Kim.
Mature ang pagkakalatag ng roles nila pati ang characters ayon kay Paulo.
Kaya sa mga intimate scene nila, todohan, take one agad, at pinaganda raw nila nang pinaganda ‘yung material para iba sa naunang ginawa nila at may bagong mapapanood sa kanila.
Inulit lang ni Kim na wala siyang jowa ngayon na ikinatili ng kanyang fans na andun sa media conference dahil action speaks louder than words daw talaga.
Damang-dama ng lahat ang love nila sa isa’t isa lalo na inamin ni Paulo na tingin pa lang ni Kim, kinikilig na siya.
Ang saya ng kilig na kahit hindi na sila mga teenager, andyan talaga ang loveteam nila.
Showing na sa March 26 ang My Love Will Make You Disappear.
Direk pang serye ang karanasan sa pulitika
True naman parang telenovela ang pinagdaanan sa pagbalik sa pulitika ng director / producer / politician na si Lino Cayetano.
Kumakandidato siya bilang kinatawan ng Taguig sa Kongreso pero iba ang sinusuportahan ng kanyang kapatid na si Senator Alan Cayetano.
Aminado si Direk Lino na gulat siya sa mga pangyayari lalo na at dalawang beses siyang nag-give way sa kanyang hipag na si Lani Cayetano, misis ni Sen. Alan, na bumalik sa pwesto bilang Mayor ng Taguig City noong 2022 at ngayong 2025.
Sa isang forum with the entertainment press, inamin niyang inaasahan daw niyang susuportahan siya ng kanyang kapatid ngunit iba ang naging kinalabasan.
Bukod pa sa may nag-file ng disqualification niya sa COMELEC dahil hindi diumano siya residente ng Pateros / Taguig.
Pero kinatigan siya ng korte, nabunutan na siya kumabaga ng tinik sa dibdib: “Lubos naming ipinagpapasalamat na kinilala ng Korte ang katotohanan— kami ay tunay na residente ng Unang Distrito (Taguig-Pateros). Malugod naming tinatanggap ang desisyon ng Korte ng Taguig na pinagtitibay ang aming paninirahan sa Barangay Ususan at kinikilala ang aming karapatan bilang mga lehitimong residente at rehistradong botante,” sabi niya sa isang statement.
“Ang hatol na ito ay hindi lamang nagtataguyod ng aming konstitusyunal na karapatang bumoto kundi pati na rin ng pangunahing prinsipyo na ang bawat mamamayan ay may kalayaang pumili ng kanilang tirahan,” dagdag niyang pahayag matapos ngang ilabas ng korte na siya at legal na tagaroon.
Sa isang interview ay sinabi niya na hindi niya maintindihan kung bakit may pumipigil na ilang mga tao na tumakbo siya sa unang distrito. Naalala niya na nasa kainitan siya ng kanyang career nang alukin siya noong tumakbo ng barangay captain upang matulungan ang kanyang sister in law. “It was the height of my career. Kasi, I was doing Noah with Piolo (Pascual) and, at the time, Zaijian (Jaranilla), who had just finished May Bukas Pa,” pag-aalala niya sa nauna naming interview.
Samantala, tuloy naman ang pagpo-produce ng pelikula ng kanilang kumpanya na Rein Entertainment kung saan nakipag-partner na sila sa ABS-CBN, iflix, GMA, Viva, at ngayon, sa pelikulang Caretakers kasama ang Regal Films.
“Naniniwala ako sa kahalagahan ng partnerships. Noong panahon ng pandemya, naging
partner ko ang ilang mga mayor na hindi ko kasama sa politika. Bilang producer, saksi ako na
kahit ang mga magkakaribal na produksyon ay nagsama-sama para sa ikabubuti ng nakararami,” sabi ni Lino pagkukumpara niya sa pagiging pulitiko at producer.
Anne, tinawag na sweet starlet ng mag sa Singapore
Ay sweet starlet ang caption ng Harper Bazaar
Singapore kay Anne Curtis para sa kanyang birthday three days ago.
Na ikina-react ng ibang fans ni Anne.
Sobrang sweet starlet naman daw. Ibang level na aniya ang career ni Anne at dito nga naman sa atin ay iba ang meaning ng ‘starlet.’
“Happy Birthday to our January 2025 cover star, @annecurtissmith
“The sweet starlet turns 40 today, and what better way to celebrate than with a little behind-the-scenes look at a special shoot we did with Anne when she was in Singapore this January? Watch this space for the full video, coming your way soon.” ang buong caption nito.
In all fairness naman kay Anne ay nagpasalamat ito.
- Latest