Benhur Abalos, na-challenge kay Katrina

Kahit kilalang politiko si dating Mayor ng Mandaluyong at ngayo’y tumatakbong Senador for 2025 elections Benhur Abalos, paminsan-minsan ay hindi siya nakakatanggi sa mga offer sa kanyang acting projects sa showbiz.
Napanood siya sa mga cameo roles niya sa GMA teleseryes na Black Rider, Liliet Matias: Attoney At Law at Mga Batang Riles.
Ayon sa Senatoriable nang makausap namin last Tuesday sa presscon ng partidong kinabibilangan niya, ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, noong nag-aaral siya ay sumali-sali siya sa mga school play kaya hindi na bago sa kanya ang pag-arte.
Okay naman daw ang naging experience niya sa showbiz at hindi naman daw siya nahihirapan dahil kadalasan ay ‘as himself’ naman daw ang kanyang role tulad ng DILG Secretary na dati niyang posisyon.
Naging challenge lang daw sa kanya nang maka-eksena niya si Katrina Halili dahil napakagaling daw nitong aktres. “Maya-maya umiiyak na (si Katrina). Sabi ko, ‘hindi ako pwedeng magkamali rito,’” natatawang sabi ni Benhur.
Mahirap daw pala ang maging artista lalo na ang mga paghihintay sa set. “So, kung minsan, magsisimula ka nang maaga, matatapos ka, madaling-araw na. ‘Buti na lang may Eddie Garcia Law. Malaking bagay ang Eddie Garcia Law,” aniya.
Pero nasasanay na rin naman daw siya dahil nga mga bigating artista ang kanyang mga nakakasama.
When asked kung itutuloy pa ba niya ang kanyang showbiz career sakaling manalo siyang Senador sa darating na eleksyon, natawa ang politiko. “Tignan natin kung papaano, dahil unang-una, kailangan ko muna talagang manalo, eh,” sambit niya.
Ang unang-una raw niyang gagawin kapag nanalo siya ay reresolbahan niya ang problema sa pirata ng movie industry dahil kawawa naman daw ang mga producer na gumagastos nang malaki pero hindi pa man naipalalabas ang movie ay napirata na. “It should be addressed. If you want the film industry to progress, importante ‘yan. You give incentives and at the same time, hulihin mo ‘yung mga dapat hulihin. ‘Yan ang priority ko talaga,” pahayag ng Senatorial candidate.
Vina may wish sa 12 grapes
Inamin ni Vina Morales na wish na niyang magkaroon ng boyfriend this year.
Sa panayam ng aktres/singer sa Fast Talk with Boy Abunda, ini-reveal niya na talagang ginawa rin niya ang “12 grapes under the table” noong New Year at ang wish niya nga raw ay magkaroon ng boyfriend.
Sinasabi nga kasing ang pagkain ng 12 grapes under the table sa pagpitada ng Bagong Taon ay naghahatid ng suwerte sa buong taon.
Ayon pa kay Vina, ready na raw siya na magkaroon ulit ng panibagong mamahalin.
Pero nang matanong kung nagwi-wish pa ba siyang makasal, aniya ay natanggap na raw niyang baka hindi ito para sa kanya.
Pero kahit hindi raw para sa kanya ang marriage, she stills considers herself blessed dahil nabigyan naman daw siya ng opportunity na maging isang ina.
As we all know, Vina has a daughter, si Ceana na anak niya sa dating karelasyong si Cedrick Lee.
- Latest