^

Pang Movies

Heart, todo rampa na naman sa Singapore

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heart, todo rampa na naman sa Singapore
Heart Evangelista

Lumipad pa-Singapore si Heart Evangelista para sa Prada event at napansin ng followers nito sa Instagram ay Bash ni Bea Alonzo.

Ikinatuwa ito ng followers nila ni Bea dahil nagsusuportahan daw silang dalawa.

Friends na sila noong pareho silang nasa ABS-CBN at na-revive ito GMA Network. Nakatulong din na ma-revive ang kanilang friendship dahil kay Mr. Johnny Manahan.

Dahil close sila, may request ang kanilang fans na sana, magkaroon sila ng series.

Hindi pa nabanggit ni Heart kung para saan ang Prada event, makikita lang sa pinost niyang photos, puro Prada products ang hawak at gamit niya. Pati nga spoon and fork.

Barbie at David, tuhog din sa endorsement

Two endorsements pala ang ginawa nina Barbie Forteza at David Licauco at pareho yatang sa Tagaytay ang photoshoot.

Hinintay lang makabalik si Barbie from her South Korea vacation at saka ginawa ang photoshoot at TVC. Ayaw pang sabihin kung ano ang mga endorsement na ito, ang hula ng fans ang isa ay brand ng toothpaste at isang fast food chain.

Anyway, ang isa pang hinihintay ng BarDa fans ay ang announcement na si David na nga ang makakapareha niya sa pelikulang Moments Of Love: On Borrowed Time.

Remake ito ng pelikula nina Iza Calzado at Dingdong Dantes na kapag nangyari, nangako rin ang fans ng 100 percent support.

Ang daming isyu kay Liza Soberano na nagkakasalungat, hindi mo tuloy alam kung ano ang totoo at hindi. Nauungkat ang collab project daw nila ni Enrique Gil na ayon sa bashers ni Liza, hindi totoo. Sabi naman ng fans nina Liza at Enrique, totoo ito.

Pati break-up ng LizQuen, hindi magasundo ang fans dahil may naniniwalang matagal na silang break, pero may mga naniniwala rin na sila pa rin. Ito ay kahit balitang may ibang boyfriend na si Liza.

Anyway, ang masasabing totoo sa mga balita kay Liza ay ang guesting niya sa Food Truck Adventure ni Eric Nam. This Thursday ang airing ng first episode. Sa teaser, mapapanood si Liza na may nasa kitchen  ng food truck at may suot na apron.

Hindi lang kami sure, kung nagluto si Liza, panoorin n’yo na lang, Siguro naman, marunong siyang magluto.

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with