^

Pang Movies

Aktor sanay sa scandals

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

MAHILIG pala sa moreno ang isang klosetang elected official na lalaking-lalaki ang dating pero paminsan-minsan ay kumukulot ang boses kapag nagsasalita at nagagalit!

Pamilyado ang elected official. Pero may isang morenong aktor n type na type niya, huh! Eh sanay na sa mga accla ang aktor bago pa man napunta sa mainstream.

Pero ngayon may pangalan na siya at nagbibida na sa TV at movies, tinigilan na rin siya ng klosetang elected official na quiet na rin sa kalandian!

Mark, sinorpresa ang Revival King ng Bulaklak

HINDI direkta sagot ang singer na si Jojo Mendrez nang matanong tungkol kay Mark Herras na naispatang magkasama at may lumabas na video.

“Kahit naman oo o hindi ang sabihin ko, marami pa ring iisipin ang mga tao. Kaya mas mabuti ‘yung tahimik na lang at sana eh matigil na ito dahil marami na ang naaapektuhan,” pahayag ni Jojo sa mediacon ng launching ng bago niyang single under Star Music na Nandito Lang Ako.

Si Jojo ang tinaguriang Revival King dahil ang revival niya ng lumang kanta eh umabot na sa 45 million views across social media uploads.

Sa totoo lang, ang latest revival ni Jojo na Somehwhere In My Past na unang kinanta ng young superstar na si Julie Vega, eh dumaan sa butas ng karayom bago niya nai-record. Ilan pa sa ni-revive niya ay Handog, Tuyo Nang Damdamin at Magkabilang Mundo.

 Self made man si Jojo at ngayon ay bahagi na siya ng Star Music PH. Habang kinanta nga pala niya ang Nandito lang Ako, biglang sumorpresa si Mark sa venue at binigyan siya ng bulaklak.

Basta si Jojo, tuloy lang siya ng pagbigay ng awitin na una niyang pag-ibig bago naging maganda ang buhay!

SCANDAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with