Zephanie, mahilig mamundok

Iba pala kung mag-celebrate ng kanyang kaarawan ang Kapuso singer-actress na si Zephanie Dimaranan noong nakaraang Feb. 14.
This year, nag-celebrate ang Sparkle artist ng 22nd birthday sa tutok ng Mt. Pulag, ang highest peak sa Luzon.
Ang Mt. Pulag ay matatagpuan sa triple border ng mga probinsta ng Benguet, Ifugao at Nueva Ecija na may taas na 2,928 metres (9,606 ft) above sea level.
On Instagram, pinost ni Zephanie ang photo ng popular sea of clouds na makikita sa tutok ng Mt. Pulag.
“Decided to climb the highest peak in Luzon for my 22nd. Grateful for another year,” caption pa ng singer.
Hindi ito ang unang pagkakataon na mamundok ang former Idol Philippines winner. Noong 2024 ay inakyat nito ang Mt. Kulis in Tanay, Rizal na isang nature campsite na may panoramic views ng Sierra Madre mountain range. May taas ito na 620 meters above sea level.
Isa si Zephanie sa pinaka-busy na young star ngayon sa Kapuso Network. Bukod sa kanyang weekly Sunday performance sa All-Out Sundays, napapanood siya mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles bilang si Mutya, at sa weekly youth anthology series na MAKA.
Taylor, biggest selling artist pa rin
Wala man napanalunan sa nakaraang Grammy Awards, hinirang naman na
Biggest-Selling Global Recording Artist of the Year ng IFPI or International Federation of the Phonographic Industry si Taylor Swift.
Ito ang third year in a row na si Taylor ang napili ng IFPI and her 5th recognition.
Ayon sa IFPI: “This recognizes the top artist across physical sales, downloads and streaming, Swift is the outright No. 1 recording artist on the planet.”
Natanggap ni Swift ang parangal in 2014, 2019, 2022 and 2023. Ang iba pang nabigyan nito ay si Drake (in 2016, 2018) and BTS (2020, 2021).
Ang The Tortured Poets Department album ni Taylor lead the IFPI’s Global Album Chart, Global Vinyl Album Chart, Global Streaming Album Chart and Global Album Sales Chart.
- Latest