^

Pang Movies

Club DJ Jellie Aw, walang makuhang simpatya!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Club DJ Jellie Aw, walang makuhang simpatya!
Jellie

Pagkatapos mabugbog ng club DJ-vlogger na si Jellie Aw ng fiancé diumano niyang si Jam Ignacio ay nagre-react naman ito sa mga pamba-bash sa kanya.

Hindi niya pinalalampas ang mga komento ng mga basher niya sa social media account niya na talagang isa-isa niyang nire-reply-an.

Mababasa ang mga komentong gaya ng “ang bilis ng karma” kung saan tinatawanan pa siya ng nagkomento pero sinagot niya ito at sinabing gaano raw kabilis.

Habang ang nagsabi na napala raw nito na akala nito naka-jackpot siya sa ex ni Karla Estrada, at tinanong pa ng basher na ano raw kaya ang ginawa nito bakit ganon na lang ang pambubugbog sa kanya nung lalaki. At inalala pa nito ang pagsabi ni Jellie ng “Ate carla pabilis daw” na ang tinutukoy ay ang pang-ookray nito sa nanay ni Daniel Padilla na kapangalan ng manikurista niya.

Sagot nito sa basher ay panay raw ang pakikisawsaw noon pero wala naman daw itong alam sa nangyari sa kanila at natawa pa siya.

Nangatuwiran pa ito na Carla naman daw talaga ang pangalan ng naglilinis at kung anu-ano pa sinabi nito.

Hindi naman nagustuhan ng mga follower niya ang paraan ng pagsagot nito.

Very kanal daw ang pagpatol nito kaya wala raw ito masyadong nakukuhang simpatiya.

Halata raw ang pang-aasar nito kay Karla at tinawag pa siyang cheap at jologs ng mga ito.

Mas lumalabas pa nga raw na supalpal ito sa basher niya.

‘Kaloka. Cheap talaga ng isyung ito pero pinatulan ko ha. Hahahahaha.

JELLIE AW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with