Pacman, bothered sa mga billboard ng Korean

Marami pang nais gawin si boxing champ Manny Pacquiao para sa bansa kaya naman matapos hindi palarin sa kanyang Presidential bid noong 2022 elections ay muli siyang nagbabalik sa pulitika bilang Senador ngayong 2025 elections.
Sey nga niya sa press conference kahapon ng mga Senatoriable sa ilalim ng partidong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, “I’m hoping na manalo ako at makabalik sa Senado at magawa ko ‘yung mga gusto kong gawin.”
When asked kung ano pa ang gusto niyang gawin, tugon ng People’s Champ, isa raw sa plano niya ay ang paglikha ng bill para magkaroon ng pondo for sustainable livelihood para sa mga mahihirap, gayundin ang pagpapalakas ng micro, small and medium enterprises na makapagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan.
Kung tutuusin nga ay pwede na lang i-enjoy ni Pacman ang buhay niya kasama ang kanyang pamilya at hindi na kailangang i-stress pa ang sarili sa pagsali sa pulitika pero aniya, ang purpose raw niya talaga sa buhay ay makatulong sa mga tao.
“Nandito tayo sa mundong ito, nag-e-exist tayo sa mundong ito because of a purpose, and that purpose, we should know and learn na kailangang ma-glorify ang Panginoon, makatulong tayo sa kapwa natin, magawa natin ‘yung saloobin ng Panginoon.
“Habang ako’y nabubuhay, ako’y magseserbisyo, tutulong sa abot ng aking makakaya sa sambayanang Pilipino.
“‘Yan ang commitment ko, kasi where I came from, talagang hindi ko ma-imagine kung ano ‘yung narating ko ngayon because of God’s mercy and goodness, blessings,” pahayag ni Pacman.
Siyempre, bilang naging bahagi rin siya ng entertainment industry dahil for a while ay naging artista rin siya, may mga plano rin ang Senatoriable para sa industriya.
Aminado siyang nababahala rin siya sa nangyayari sa entertainment industry na mas tinatangkilik pa ngayon ang foreign artists especially ang mga Korean star.
“Makita natin sa EDSA, hindi na tagarito ‘yung mga laging pino-promote natin, taga-ibang bansa na,” aniya.
Nabiro nga si Pacman na isa rin ang misis niyang si Jinkee Pacquiao sa mga nag-iidolo ng Korean stars at pagtatanggol niya, sa bahay daw ay mahilig naman daw manood si wifey ng local TV shows and movies.
Speaking of Jinkee ay nahingan din ng komento si Manny kung ano ang masasabi niya kapag naba-bash ang kanyang misis dahil sa pagpo-post ng mga branded items na gamit nito.
“Hindi naman siya naaapektuhan nu’n dahil unang-una, hindi naman namin ninakaw ‘yung pera (na ipinambili), pinaghirapan naman namin ‘yun. Proud kami na sa paghihirap namin, dugo at pawis ang puhunan, eh nakabili kami ng ganu’n and maging inspirasyon sana sa mga tao na kailangan nilang magsikap para matupad ‘yung mga pangarap sa buhay,” saad pa ng Senatorial candidate ng Alyansa.
Derek, patol pa more!
Tinawanan lang ni Derek Ramsay ang balitang hiwalay na sila ng misis na si Ellen Adarna. Ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng isang social media post na nakasaad na pumirma na raw si Ellen sa annulment papers nila.
Ang title na nakalagay ay “Hala! Tuluyan ng Pumirma.”
Sa ibaba naman ay nakasaad na “Ellen Adarna Pumirma Na Ng Annulment Paper Nila Ni Derek Ramsay.”
Wala nang ibinigay na statement ang akor tungkol dito kund naglagay na lang siya ng katakut-takot na laughing emojis which means, tawang-tawa siya sa fake news.
Obvious naman talaga na fake news ito dahil sa mga recent post ng aktor ay kitang-kita na napakaayos ng kanilang pagsasama especially now nga na may anak na sila.
- Latest