Junior actor, nasapawan ng guwapong newbie actor!
Isang malaking project pala ang nakakawala sa isang junior actor (JA) na makakatulong sa kanyang showbiz career kung natuloy.
Naging malapit naman si JA sa producer na kung saan-saan na siya naisama, huh!
Pero nagbago ang ihip ng hangin. May na-meet ang producer na mas bata kay JA kahit may anak na rin, huh! Maging ang staff ng movie eh nagulat dahil nawala sa picture si JA na unang kinonsidera ng produ! Pero walang ibinigay na dahilan ang produ basta, bago na ang bida ng movie at ito ay ang medyo bagong aktor na guwapo rin at mas sikat sa naunang aktor na nakonsidera.
Plus point pa sa second actor na mas magaling siyang umarte kesa sa unang aktor, huh!
So si JA, mukhang wala nang pag-asang makakuha ng comeback movie na magpapabalik sa kinang ng kanyang career, huh!
Direk Lino, pinahihirapan ng kapatid sa pulitika?!
Balik-pulitika ang director-producer na si Lino Cayetano na tatakbo bilang kongresista ng Taguig sa Mayo 2025.
Ayon kay direk Lino nang humarap sa media sa tulong ng mag-inang Roselle at Atty. Keith Monteverde, parang telenovela ang nangyayari sa kanya ngayon dahil ibang kandidato ang sinusuportahan ng kanyang kapatid na si Senator Alan Cayetano.
Nagulat si direk Lino nang dalawang beses siyang magbigay daan sa kagustuhan ng hipag niyang si Lani Cayetano na bumalik sa puwesto bilang Mayor ng Taguig noong 2022 at ngayong 2025.
“Naniniwala ako sa magandang intensyon naming pareho nina Mayor Lani at Kuya Alan. Pero may mga tao talagang may sariling interes na pilit kaming pinag-aaway. Kilala ako bilang independent minded sa magkakapatid at hindi basta-basta sumusunod; pinag-aaralan ko ang bawat desisyon,” sabi ni direk Lino.
Of course, bukod sa pulitika eh kilala si direk Lino na naniniwala sa partnership gaya ng ginawa niya sa ABS, GMA, Viva at ngayon nga eh sa Regal sa pelikulang The Caretakers. “Saksi ako na kahit na ang magkakaribal na produksyon ay nagsasama-sama para sa ikabubuti ng nakararami dahil ang ginagawa natin ay hindi para sa atin kundi para sa susunod na henerasyon,” paliwanag ni direk Lino na mahal na mahal pa rin ang industriya kahit nasa mundo siya ng pulitika ngayon.
- Latest