^

Pang Movies

Sharon, ayaw paawat sa pagpapa-sexy

Lanie B. Mate - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bonggang naka-off shoulder si Sharon Cuneta na ru­mampa sa red carpet ng Saving Grace kahapon sa ABS-CBN.

In fairness kay Mega ay napanindigan niyang ma-maintain ang kanyang bagong fi­gure. Bale ba, galit na raw si Kiko Pangilinan dahil hindi siya nagpapaawat mag-diet.

Ang goal kasi Shawie ay maibalik ang kanyang dating figure. Patikim-tikim lang daw siya kung kumain. Pero kapag gusto raw niya ang isang food hindi naman niya dine-deprive ang sarili niya.

Sawa na raw siyang ma-frustrate at umiyak dahil ‘yung tipong always back to zero na tataba at papayat ang sitwasyon niya. Kaya this time ay consistent ang kanyang pagpigil sa paglantak sa mga hindi healthy na pagkain. Talagang no rice na ang kanyang meal.

Samantala, happy si Mega na finally ay mapapanood na sa primetime TV ang kanyang comeback teleserye na Saving Grace. Tinitiyak niyang magpapaiyak sa televiewers mula sa magagandang aral at kuwento ng kanilang palabas.

Bukod sa kasama ni Sharon ang anak-anakan niyang si Julia Montes, kasama rin niya si Janice de Belen na madalas ay kapalitan niya ng notes sa kani-kanilang problema, pagluluto, at samu’t saring issue bilang nanay.

Nagkataon din na pareho silang nakarelasyon ni Gabby Concepcion. Kasama rin sa cast ng Saving Grace sina Elisse Joson, Sam Milby, Eric Fructuoso, at ang bagong bidang batang aktres na mamahalin at hahangaan ng mga manonood gabi-gabi na si Zia Grace.

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with