Mark Leviste pinakilala ang gf kay Joshua

Ahh in good terms talaga sina Mark Leviste at Joshua Aquino. Nagkita nga ang ex ni Kris Aquino at anak niyang si Joshua sa wedding anniversary nina Fil and Len Medina sa BGC last Sunday night.
Naging close pala sila sa Orange County (Los Angeles) nung andun pa si Kris at parang reunion nga raw ito.
Spotted din sa nasabing party sina Ruffa Gutierrez, Karla Estrada, Bianca Gonzales, Tim Yap and Michael Leyva.
May time na sa Amerika naglalagi ang pulitiko para alagaan si Kris, nung sila pa ni Kris.
Kasama naman sa nasabing party ni Mark ang girlfriend niyang Kapuso star, Aira Lopez.
Anyway, 28 years ang age gap nina Mark at Aira. Kaya naman kinailangan nitong magpaliwanag sa kanyang Instagram Story.
“I don’t know why, until now, age gaps in relationships are still a big problem for people. Yes, there’s a 20-year age gap aniya.
“But I’d rather choose a mature, smart, hardworking, and respectful partner over someone my age who lacks the ability to treat a woman well,” sabi niya pa. “After all, drama and headaches often come with someone our age. Haha! #aminin”
Kamakailan lang umamin sina Mark at Aira na sa Hongkong pa nag-celebrate ng Valentine’s Day.
Mismong ang politician from Batangas ang nagkuwento na overnight lang ang nasabing date nila ng Kapuso star sa Hongkong.
Namatay na korean actress,‘di nakitaan ng foul play
Ahh may South Korean actress na naman palang pumanaw. Si Kim Sae-ron na natagpuang walang buhay sa kanyang bahay sa South Korea noong February 16.
Ayon sa online reports, ang bangkay ng 24-anyos ay natuklasang walang buhay sa kanyang tahanan sa Seongsu-dong district ng Seoul ayon sa pulisya.
Ayon pa sa balita, natagpuan ang 24-year-old actress alas-4:54 ng hapon. ng isang kaibigan na makikipagkita sana sa kanya noong araw na iyon. Nang hindi raw sumipot ang aktres sa kanilang usapan, tumawag ang kaibigan sa pulisya.
Dumating daw ang mga opisyal mula sa Seoul Seongdong Police Precinct sa bahay ni Kim dahil nga sa report ng kaibigan.
Wala naman daw nakitang senyales ng foul play sa pinangyarihan pero mayroon na ngayong patuloy na imbestigasyon sa opisyal na sanhi ng kamatayan.
Nakilala si Kim Sae-ron sa mga Korean film na A Brand New Life, The Man from Nowhere at ang 2012 thriller The Neighbour.
Fans ni Billy, nagreklamo sa ‘Billie’
Big deal kahapon sa social media ang wrong spelling ng pangalan ni Billy Crawford nang mag-guest siya sa It’s Showtime.
Pero na-edit naman sa social media platforms ng noontime show ng ABS-CBN / GMA 7.
Billie ang unang spelling nito. Later on naman ay ikinorek na Billy.
Matagal na nang huling napanood si Billy sa dating programang kinabibilangan niya.
Kahapon nga ay nag-guest siya sa Our TagoKanta Celebrity Singer for the day.
Bagong P-pop group na Eleven 11, ayaw tapatan ang BINI
Ang 6-member girl group ba na Eleven 11 ang pinakabagong contender para sa trono na kasalukuyang hawak ng BINI?
Pagkatapos nga ng anim na buwan extensive training, ipinakilala na ng movie producer na si John Bryan Diamante, CEO ng Mentorque, ang Eleven 11 sa press conference ng Barako Fest sa Lipa noong Huwebes.
Ang grupo ay binubuo nina Ivy, Barbie, CJ, Audrey, Jade at Swaggy, ang leader ng grupo.
“Eleven 11 are patterns that appear randomly in your life,” paliwanag ni Bryan. “You might notice them on car plates, etc. Eleven 11 is considered a lucky number, and many people say ‘make a wish’ when they see it,” dagdag niya.
Ang ilang sa mga tao ay naniniwala na ang 11:11 ay isang magic number o masuwerteng oras ng araw.
Sabi naman ni Ivy, bagay na bagay sa kanila ang pangalan: “Eleven 11 is a repeating number. It’s an ‘Angel number,’ so whenever you see it, it’s a sign from the universe that your dreams will come true. It’s also a sign that our guardian angels are watching over us.”
Para sa kanila, bilang bahagi ng grupo ay “dream come true,” na dagdag ni Ivy.
Ipinagmamalaki pa ni Bryan na ang Eleven 11 ay nakitaan niya ng potential matapos nila itong mapanood sa isang noontime show.
At naniniwala siyang may promise ang grupo at nakasunod sa standard ng Mentorque.
“You know how we do things at Mentorque,” sabi pa ng movie producer ng award winning movie na Mallari. “We believe in Filipino talent, and we maintain that there’s a place for everyone under the sun,” sabi pa niya.
Nag-debut ang Eleven 11 sa Barako Fest noong Pebrero 15, na nagpabilib sa mga Batangueño sa kanilang pop-rock-hip-hop set.
May kanya-kanyang style ang bawat miyembro ng grupo : Swaggy, ang leader, ang lead dancer. Sina Ivy at CJ ang mga main vocalist. Si Barbie ang rapper. Si Audrey ay kumakanta at sumasayaw, habang si Jade, ang pinakabatang miyembro, ay isang dancer-rapper.
Nang tanungin kung handa ba silang makipag-compete sa established P-pop groups, ayon sa grupo natural na ang pagkukumpara sa industriya at hindi naman sila binuo para makipag-compete kundi upang magbigay rin ng sariling saya..
“Sa industry, usually may mga comparison, pero ang goal namin ay ma-share ang talent ng bawat isa,” sabi naman ni CJ.
- Latest