^

Pang Movies

Toni, ibinuking na laging nag-aaya ng sex kay Direk Paul

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Toni, ibinuking na laging nag-aaya ng sex kay Direk Paul
Paul, Toni, Alex, at Mikee

Naaliw kami kay direk Paul Soriano sa pambubuking niya sa kanyang misis na si Toni Gonzaga na lagi raw itong nagyayang mag-sex.

Sumabak ang mag-asawang Paul and Toni sa Answering Hot Questions Infront of Your Partner challenge sa latest vlog ni Alex Gonzaga.

Bukod sa Soriano couple, naroon din ang mister ni Alex na si Mikee Morada.

Isa nga sa mga tanong ay kung ano ang naging pagbabago sa kanilang ugali mula noong magsama sila bilang mag-asawa.

Ayon kay Direk Paul, mas sweet na raw si Toni ngayon at ibinuking na ang misis pa ang madalas na nagyayaya ng sex. “Mikee and Tin are the same. Very quiet before. Ngayon very outspoken. Communicating more now. Telling me how she feels, what she wants and of course, sweeter. Minsan siya talaga nagyaya ng sex all the time,” seryosong sabi ng director/producer.

Halatang naloka si Toni sa pambubuking ng mister. “Huwag mo nang i-ano ‘yan. Ito naman nakakaano, eh. Hindi naman nakakatawa ‘yong mga ganoon, sinasama pa ‘yung mga ganu’n,” paninita ni Toni sa asawa.

Natawa na lang si Paul at pati na rin ang mag-asawang Alex and Mikee. “Pareho kasi sila ng humor (ni Alex). Dinadaan nila sa bastos para matawa sila sa isa’t isa,” imbiyerna pa ring sabi ni Toni.

Sa nasabing vlog ay si Alex talaga ang live wire dahil sa mga nakakatawa niyang rebelasyon.

Sa isang bahagi ay ibinuking ni Alex ang mister na na-tipsy raw sa isang travel nila at nahiga sa shower. Sinaway siya ni Toni na huwag maging TMI (too much information). “Ito naman, TMI, eh. Nabubuwisit na naman sa ‘yo si Mikee. Ako, sa totoo lang, nabubuwisit na rin sa ‘yo. Masyado kang TMI. Tama na ‘yan!” pagsaway ni Toni sa kapatid.

Shaira, atat nang ikasal kay EA

Hindi napigilang maging sentimental ni Shaira Diaz sa pagdiriwang nila ng fiancé na si EA Guzman ng kanilang 12th anniversary kahapon.

Ito na kasi ang last anniv nila as boyfriend-girlfriend bago sila tuluyang lumagay sa tahimik.

Sa Instagram account ni Shaira ay makabagbag damdamin ang kanyang anniversary message para kay EA. “12 beautiful years with you,” bungad ng aktres.

“Our last anniversary as boyfriend and girlfriend—how surreal is that? In just a few more months, we’ll be saying I do and starting forever as husband and wife!! ahhh!!” patuloy niya.

Ayon pa kay Shaira ay sobrang nagpapasalamat daw siya sa Diyos na ibinigay sa kanya si EA. “God knows how thankful I am to have found someone who is always there for me, who truly understands me, who cares for me more than anyone, and who loves me unconditionally. Having you by my side has been the greatest gift,” sey ng aktres.

At ngayong malapit na nga silang ikasal, looking forward na ang aktres sa pagharap nila ni EA sa panibagong chapter ng kanilang buhay. “And now, this is it—the final chapter and the beginning of a lifetime together. Cheers to love, growth, and everything we’ve built. Forever with you is the greatest blessing. I can’t wait to marry you, Baba!!!” ani Shaira.

“Happy anniversary, my love!” pagtatapos ng aktres.

Sa comment section ay sumagot si EA at halatang sobrang na-touch sa mensahe ng fiancee.

“Tagos sa puso ko.. Napakasarap sayo basahin nito.. MAHAL NA MAHAL KITA! HAPPY ANNIVERSARY ” pagbati ng aktor kay Shaira.

Sagot naman ng aktres, “nakakaiyak habang tinatype.. mahal kita sobra!”

PAUL SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with