^

Pang Movies

Mga Pinoy nagulat... kanta ng BINI, naririnig sa Universal Hollywood

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Mga Pinoy nagulat... kanta ng BINI, naririnig sa Universal Hollywood
BINI
BINI via Instagram

Alam mo, Salve A., kinilabutan kami habang kami’y namamasyal sa loob ng Universal Studios in Hollywood last Sunday nang hindi namin inaasahang marinig sa public address sound system ang kanta ng explosive all-Filipino girl group, ang BINI.

Ang 11-year-old daughter ng aming L.A.-based friend na si Flordeliz Aque na si Tata ang unang nakapansin na BINI  song ang tinutugtog sa loob ng Universal Studios kaya nakaramdam kami ng tuwa at pagiging proud.  Hindi namin inaasahan na sa isang popular theme park sa Hollywood na dinarayo ng libu-libong visitors (from all over the world) ay maririnig namin ang kanta nila.

Muling gumawa ng record ang grupo last Saturday night, Februry 15 nang  ma-sold out ang kanilang kauna-unahang major concert at the 55-thousand-seater Philippine Arena bilang kick-off ng kanilang first world tour na magsisimula sa Dubai on May 18, 2025 na susundan ng London on May 25 and the rest of the month of May and June sa Amerika at Canada.

Walang mag-aakala na mag-iiba ang mga  buhay nina Jhoanna, Aiah, Gwen, Mikha, Colet, Sheena, Maloi, at Stacey nang silang lahat ay dumaan at audition sa Star Hunt Academy ng ABS-CBN nung 2018.

Bago nakilala ang grupo ay focused ang Filipino fans sa mga K-Pop groups ng South Korea at wala silang pakialam na gumastos nang malaki para lamang manapood nila ang kanilang mga paboritong K-Pop idols.  Pero sa paglabas ng grupong SB19 at BGYO (na halos kasabayan ng BINI), unti-unting sumikat ang mga Filipino pop group.

Although kaa-announce pa lamang ang BINIverse World Tour 2025, marami pang ibang producers sa iba’t ibang bansa ang nag-signify ng interest na makuha nila ang hottest Pinoy Pop group lalupa’t palaki nang palaki ang fanbase ng grupo worldwide  na tinawag nilang Blooms.

Intriga kay Maris, nasapawan na

Mukhang nalagpasan na ng Kapamilya young star na si Maris Racal ang malaking kontrobersiya na kanyang hinarap along with her loveteam na si Anthony Jennings dahil natakpan ito ng magagandang reviews na may kinalaman sa kanyang bagong action-TV series, ang Incognito at ang kanyang critically-acclaimed movie na Sunshine.

Ang nasabing pelikula ang nagdala kay Maris sa Berlin International Film Festival na first time niyang dinaluhan.

Ultimo ang award-winning writer-director and President-CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Joey Javier Reyes ay nagpaabot ng kanyang paghanga sa singer-actress na ex-GF ng music icon na si Rico Blanco.

Sina Maris at Anthony ay aksidenteng naging magka-loveteam nang magsama ang dalawa sa hit primetime TV series na Can’t Buy Me Love na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

BINI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with