^

Pang Movies

Baguhang actor, ‘di pa rin kilala ng fans

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

MALUNGKOT ang isang newbie hunk dahil hindi man lang siya nabigyan ng pagkakaton para makilala sa isang event na in-organize ng isang malapit sa kanyang accla.

Malaking event pa naman ito at maraming tao dahil open sa public. May pictures pa naman ng mga artistang bahagi ng event. Pero waley pa ring nakakilala sa kanya!

Sad to say, hindi siya masyadong nabigyang pansin dahil mas may sikat sa kanyang dumalo sa event.

Umaasa na lang si newbie hunk na one of these days, mapapansin din siya lalo na’t malakas ang kapit niya sa accla!

Kyline at Kobe, ‘di nagpasabog sa V-day

WALANG masyadong pasabog ngayong Valenine’s Day ang lovers na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras matapos ang pagliliwaliw nila sa ibang bansa!

Ayon sa aming source, sa isang lugar sa BGC nag-celebrate ng Vday sina Kobe at Kyline. Simpleng pagsasama lalo na’t masaya naman sila!

Daig pa sila ng lovers na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio dahil yayamanin ang pinuntahan nilang lugar nung Valentine.

Nasa Iceland sina Derrick at Elle at naging makulay pa ang Araw ng mga Puso nila dahil nakita nila ang famous na Northern Lights o Aurora Borealis, huh!

Tipid man o yayamanin ang selebrasyon ng Valentine’s Day, sapat na ‘yung magkasama ang lovers sa okasyon na puno ng pagmamahalan!

ACCLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with