Ruru, proud sa pagsagot ni Bianca

Naging controversial ang mediacon ng Mananambal dahil sa billing issue na itinanong kay Bianca Umali. May mga nagulat sa sagot ng aktres at may mga humanga sa tapang niya.
Natanong din ang boyfriend ni Bianca na si Ruru Madrid ni Aubrey Carampel tungkol sa isyu at proud ito sa GF at kung paano nito na handle ang sarili sa nasabing mediacon.
“Sabi ko nga parang nag-set siya ng standard sa lahat ng mga actor na natatakot sumagot sa mga ganoong klaseng tanong. Basta naman totoo ang sinasabi mo at hindi ka nagsisinungaling bakit ka naman matatakot,” sagot ni Ruru.
Dagdag niya : “And very respectful as well, so ‘yun ‘yung sobrang napa-proud ako sa kanya.” Samantala, sa latest Instagram post ni Bianca, ang suot nitong T-shirt ay may picture ni Nora Aunor. Simple lang ang caption niyang “FANGIRL MOMENT” na binanggit din niya na sa February 19 na ang showing ng pelikula nila.
BarDa sure na sa Moments…
Dahil sa post ni Director Mark Reyes na kasama si David Licauco, naniniwala ang BarDa fans na may kinaalaman ito sa upcoming film project na Moments of Love: On Borrowed Time.
Una nang nagkita at may photo sila sina Direk Mark at Barbie Forteza at sa caption ng director, nagparamdam ito na si Barbie ang lead actress sa project.
Ang comment ng fans, parang mali kung hindi si David ang ipapareha kay Barbie, sasayangin daw ng GMA Pictures ang clamor ng mga fans na muli silang pagtambalin. Naniniwala rin ang fans na mas ilalabas ng dalawa ang acting na hinihingi sa kanilang mga role dahil pareho na silang single.
Anyway, nakabalik na sa bansa si Barbie after her South Korea vacation at inaabangan kung magkikita ba sila ni David.
Miguel, naka-10 score kay Carlos Yulo
Nahihilig sa gymnastics si Miguel Tanfelix at sa gym pa kung saan nagti-training si Carlos Yulo siya pumupunta. Present pa nga si Carlos sa isang training ni Miguel na nahiya pa nang kumbinsihin ng isang kaibigan na ipakita ang kaya niya.
In fairness kay Miguel, 10 ang score na ibinigay sa kanya ni Carlos after gawin ang isang exercise kung saan, nakatayo siya at hindi natumba o nadapa. Napasuntok sa tuwa si Miguel.
Natuwa nga ang mga fans ng aktor dahil kapag may ginusto ay ginagawa at nagagawa niya ng tama. Pati mga showbiz friends ng isa sa mga bida ng Mga Batang Riles kinongratulate rin si Miguel.
Wala naman sigurong balak sumali ni Miguel sa competition, gusto lang niyang matuto at na-inspired kay Carlos.
- Latest