^

Pang Movies

Enrique, binisita ang bahay nila Liza sa Amerika  

Salve V. Asis - Pang-masa
Enrique, binisita ang bahay nila Liza sa Amerika         
Enrique at Liza

MANILA, Philippines — Mukhang punggok si Enrique Gil nang dumalo sa NBA All-Star event.

Lalo na dun sa interview portion kung saan nakausap niya pa ang sikat na NBA player na si Karl-Anthony Towns.

Ang liit ng hitsura ni Enrique. Hanggang balikat lang.

“Got to chat with my man @karltowns. What a moment @nbaallstar #nbaallstar. Kumusta ka? Oh yeah, and he loves lumpia! Hahaha!” sabi ni Enrique bilang siya ang local ambassador ng NBA sa Pilipinas.

At siyempre, dinagsa kaagad ng komento ‘yun.

Daming napa-sana all. Dahil din doon, nag-trending si Enrique sa X (dating Twitter).

Plus kumalat ang photos and video na binisita ni Enrique ang bahay ng ex niyang si Liza Soberano sa Visilia, California. “Baka sabihin na naman mga Delulus kami ehh bahala kayo sa buhay niyo at wala din kayong pakialam,” sabi ng isang LizQuen fan kalakip ang souvenir photos ng pagdalaw ng actor sa bahay ng pamilya ni Liza sa Amerika.

Pero sagot naman ng ibang fans, kinuha lang ni Enrique ang ilang gamit niya sa bahay nila Liza at idiniretso na pabalik ng Pilipinas.

Sa true, ang dami pa ring delulu sa LizQuen kahit common knowledge na sa showbiz na break na sila at diumano’y karelasyon na ng actress ang dating business partner ni James Reid na si Jeffrey Oh.

Recently lang ay sinabi ni Liza sa interview na may chance na magkasama ulit sila sa pelikula ni Enrique at naghahanap daw sila ng concept na puwede nilang gawin in the future kung saan handa rin daw gumawa ng teleserye ang actress.

Nauna na ring binanggit ni Enrique na handa naman siyang makipag-collab sa ex na hindi pa sumusuko sa pangarap na career sa Hollywood. Ito ay nung nagpo-promote sila ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital. “She is really focused on her US career. Dami niya auditions and events doon… We are focused on our careers,” sabi that time ng actor. Sadly hindi gaanong box-office sa MMFF ang nasabing pelikula pero tiyak na mapapanood ito sa streaming platform.

Anyway, may nag-chat naman kaagad sa X na malabo na ang reunion movie project ng LizQuen.

KimPau, tinodo ang pakilig sa blooms

Nilabas na ang bagong awitin ng BINI na Blink Twice tampok ang playful vibes, catchy beat, at signature charm ng nation’s girl group sa kanilang sold-out concert the other night sa Philippine Arena. Napapanood na rin ang music video ng kanta kung saan masisilip ang fresh look ng grupo. 

Na-enjoy ng Blooms ang bigating music video tampok ang fun moves at makukulay na outfits ng BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena. 

Ang Blink Twice ang latest international release ng grupo kung saan tampok ang magkahalong pananabik at pagkalito ng isang tao sa paghihintay ng sign kung may nararamdaman din ba ang taong nakapukaw ng damdamin niya. 

Kasama sa sumulat ng kanta sina Amanda Ratchford, Pacific-Joshua Zagabe, Marqueze Parker, Darius Coleman, Pontus Kalm o Oneye na sumulat na para sa BTS at Le Serrafim, at Steven Franks o Mr. Franks na nakatrabaho na sina Ariana Grande at Blackpink. Sina Oneye, Leather Jacket, Mr. Franks, at Glitch ang nagprodyus ng kanta sa ilalim ng ABS-CBN Music International. 

Anyway, mas dumagundong naman ang Philippine Arena nang i-flash sa big screen sina Kim Chiu and Paulo Avelino noong Sabado ng gabi. Wow talagang yanig sa kilig ng Blooms.

Lalo na at nakiki-sing along sila sa fans ng BINI na dumagsa sa Bulacan.

Pinay teacher sa China, gustong gumanap at pagbidahin sina Iza, Dimples at Mylene

Sa loob ng mahigit isang dekada, ang Filipina educator na si Marianne Lourdes “Mary” M. Leonor ay gumawa ng malalim na epekto bilang isang English-language teacher sa Suizhou City, Hubei Province, China.

Sa pagsasalita sa Pandesal Forum na ginanap sa historic 86-year-old Kamuning Bakery Cafe in Quezon City, ibinahagi ni Marianne ang kanyang inspiring journey, kalakip ang kanyang mga karanasan sa pagtuturo sa mga estudyanteng Tsino sa kindergarten at grade school at ang kanyang pag-asa para sa mas tumatag ang relasyon ng Pilipinas-China.

Since 2012, nagta-trabaho na siya Suizhou Foreign Language School in Suizhou City – (located just two hours by car or 55 minutes by bullet train from Wuhan).

“My students are incredibly smart and hardworking, especially when it comes to their homework,” pagbabahgi niya sa ilang kaharap na entertainment press sa Pandesal Forum last week. “Teaching English as a foreign language in China has been both challenging and rewarding. The educational system there is highly efficient and tech-savvy. Schools are paperless, and students are diligent, studying from 6:30 a.m. to 7 p.m. daily. But they also have time for noon naps and extracurricular activities like sports, which keeps them balanced,” chika niya. 

At alam na alam daw ng mga estudyante niya na isa siyang Pinay kaya aniya nag-e-effort ang mga ito na matuto ng basic Tagalog words.

Maging sa kulturang Pilipino ay familiar na rin ang kanyang mga estudyante. “They know about talented Filipino entertainers like SB19 and other singers, as well as telenovela actors and actresses. It’s heartwarming to see how connected our cultures are,” rebelasyon niya.

At para sa kanya, kung may gagawing TV drama o pelikula sa kwento ng isang guro, inaasahan niyang maaaring gumanap sina Iza Calzado, Dimples Romana o Mylene Dizon.

ENRIQUE GIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with