^

Pang Movies

Young actress na nanganak, takot umamin dahil sa endorsement

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malapit nang ipalabas ang bagong show na kung saan kasali ang young actress na napabalitang nagdalangtao.

Pagkatapos niyang manganak nung nakaraang taon, nagpahinga sandali si young actress, nag-ensayo, nagpaganda ng katawan.

Pagbalik niya, bumalik sa dating shape at kapansin-pansin ang malulusog niyang dibdib. ‘Yun ang napansin ng karamihan.

Ngayong magsisimula na siyang mag-promote, aaminin kaya niyang isa na siyang mommy?

Ayon sa ilang napagtanungan namin, itatago pa rin ni young actress ang pagiging mommy.

Lalo kasing gumanda ang katawan, napanatili ang pagi­ging bagets na parang hindi lang nanganak.

Ang payo raw sa kanya ay pribado na itong bahagi ng buhay niya. Hindi ilalantad ang kanyang anak, pati ang ama nito. May endorsements pala siya, kaya mananatiling nakatago ito.

Hanggang kailan kaya niya ise-secret ang pagiging mommy?

Alden at Kathryn, magsasabay sa pagrampa sa Body...

Habang namamayagpag sa Netflix ang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, in-announce ng Bench na rarampa sa kanilang Body of Work fashion show sina Kathryn at Alden.

Tuwang-tuwa ang KathDen fans sa kanilang pictorial.

Pero ang tanong, magkasama kaya silang rarampa? ‘Yun siyempre ang inaasahan ng KathDen fans.

Hopiang-hopia sila na patuloy pa ring magsama sina Joy at Ethan.

Nag-number one ngayon sa top ten movies ng Netflix ang HLA. Kaya dapat na may kasunod pa rin silang dalawa.

Wala pa kasing balitang magsasama sila uli sa isang project.

Kaya tiyak na ikakatuwa ng KathDen fans kapag mapapanood nilang ruma­rampa sa Bench fashion show.

Nung huling Bench fashion show noong 2017 ay hindi magkamayaw ang mga tao nang magkasabay na rumampa sina Kathryn at Daniel Padilla.

Pero may ibang brand nang ineendorso si Daniel sa kasalukuyan.

Hinalikan pa noon ni Daniel si Kathryn sa baba, ano kaya ang pakilig na gagawin ni Alden kay Kathryn?

Abangan natin ‘yan sa darating na Body of Work fashion show ng Bench na

gaganapin sa SM MOA Arena sa March 21.

KATHRYN BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with