Kris, sinubukang bumalik sa trabaho

Simple lang ang naging pagdiriwang ni Kris Aquino ng kanyang kaarawan nitong Feb. 14 base na rin sa kanyang latest Instagram post.
Nagbahagi ang Queen of All Media ng ilang larawan ng mga natanggap niyang gifts at nagpasalamat sa mga kaibigang umasalto sa kanya na ang iba ay lumipad pa mula sa USA.
Nagpasalamat din si Tetay sa lahat ng naging bahagi ng kanyang recovery journey.
“I want to thank all my friends for taking time to greet me last night (asalto) and my friends from OC, who flew in. But above all- i thank you for being with me, kuya josh, and bimb during my journey towards recovery,” caption ni Kris.
Sa post naman ng confidante and best friend niyang si Dindo Balares sa Facebook ay ibinalita niyang sinubukan na raw ni Kris na magbalik sa trabaho. “She’s back working!” ang bungad ni Dindo.
’Yan ang latest kay Kris Aquino. Sinubukan niya the other day,” aniya.
Pero kasunod daw nito ay nag-bed rest si Kris for 3 days. “’But we all realized- 1 day of work means 3 days of bed rest,’ kuwento niya,” tsika ni Dindo.
Hindi na siya nagsabi pa ng detalye kung ano ang work na ginawa ni Krissy. “‘Yan lang muna ang good news ko. ‘Di pa ako puwedeng magbigay ng details. Baka masabihan na naman ako ng, ‘Kung minsan daldal ka rin, Kuya Dindo,’” sey ng BFF ni Kris.
Well, the fact na kinaya ni Kris na mag-work kahit 1 day ay napakagandang senyales nito. Na ibig sabihin ay bumubuti na siya talaga. Hopefully ay magtuluy-tuloy na.
Denjen, nabawasan na ang awayan
Taong 2010 pa nang huling magkasama ang mag-asawang Dennis Trillo and Jennylyn Mercado sa pelikula at ito ay ang Rosario and that time ay boyfriend-girfriend pa lang sila.
Kaya naman sobrang happy ang DenJen na after 15 years ay muli silang mapapanood sa big screen, this time, sa isang romantic-comedy film na Everything About My Wife.
Sa mediacon na ginanap last Thursday ay natanong ang mag-asawa kung ano ang difference ng working relationship nila ngayon matapos ang 15 taon.
Ayon kay Dennis, napansin daw niya na mas seryoso at commited na sila pareho ngayon sa trabaho dahil na rin daw siguro nag-mature na rin sila. “Nu’ng time na ‘yun, naalala ko, nasa shooting kami, lagi pa kaming nag-aaway no’n sa set,” sey ni Dennis.
Sinang-ayunan naman ito ni Jen at aniyang natatawa, “buti na lang, heavy-drama ‘yung ginagawa namin.”
Dagdag naman ng aktor, “so ngayon, napansin ko na hindi na kami masyadong nag-aaway, mas nakokontrol namin ang emotions namin dahil mas matured na at professional kami at mayroon na kaming respeto sa mga trabaho ng isa’t isa.”
Ayon naman kay Jen, nakakatulong din daw na pinag-uusapan na nila ni Dennis ang mga eksenang gagawin kaya nagiging smooth din ang kanilang pagtatrabaho.
Dagdag naman ni Dennis, “ngayon kasi, mas nakakapag-usap na kami, mas nakakapag-suggest na kami. Kumpara dati, ‘pag ginawa ko ‘yun, baka sabihin, ‘sobrang nagmamarunong ‘to, ‘kala mo naman kung sinong magaling ‘to.’ Pero ngayon, siyempre, mag-asawa na kami, mas naiintindihan na niya na siyempre, pinapaganda lang naman namin. Pero siyempre, tsinetsek ko rin kung nasa mood siya kasi siyempre minsan, mahirap ‘yung masyadong nagmamarunong.”
Tawa naman nang tawa si Jen sa sinabi ng mister.
Kasama rin ng DenJen sa movie si Sam Milby na nakasama na ni Jen noong 2015 sa pelikulang The PreNup.
Ito ay adaptation ng 2008 Argentine film Un Novio Para Mi Mujer (A Boyfriend for My Wife) at nagkaroon din ito ng iba’t ibang version sa South Korea, Mexico, Chile, Italy, India, and Spain at showing na ito sa mga sinehan ngayong Feb. 26.
- Latest