Sarah, ‘di nagpatalbog sa araw ng mga puso
MANILA, Philippines — Hindi pinalampas ni Sarah Lahbati ang Araw ng mga Puso at nag-post ito mula sa kanyang photoshoot na sakto sa tema ng Valentine’s Day.
Humanga ang fans niya sa kanyang mga litrato kung saan nag-ala good and bad cupid siya na may caption na “I’m my own best match.”
Wala naman siyang ipinost na ka-date nung Feb. 14 at makikitang ang anak na sina Zion at Kai ang kasama niya
Kabilang din sa post niya ang pagpapadala ng parents niya ng bouquet of flowers.
Base rin sa posts niya ay nasa Perth, Western Australia pa ang ex-wife ni Richard Gutierrez.
Hot momma raw ang dating ni Sarah sa photos nito na lutang ang kaseksihan.
Puring-puri nga siya ng mga follower niya sa paandar at sinabing pang-international model ang beauty niya.
Hindi naman nawala ang mga basher na sinabing weird at cringe raw ang pag-post nito ng Valentine photoshoot.
Ang babaw raw ng pag-photoshoot kahit hindi naman nito birthday o walang okasyon.
Binigyan pa siya ng unsolicited advice ng mga basher at sinabing sana raw mag-enjoy na lang ito sa pag-travel o ‘di kaya’y bumalik ito sa pag-aaral at magkaroon ng degree.
Mukhang ginagawa naman ng aktres ang mag-enjoy kasama ang mga anak.
Kamakailan nga lang ay nag-post ito na ang self-love para sa kanya ay mag-pause at reflect “this valentine’s, i’m reminded to slow down and express gratitude. it’s february, after all, so forgive me for the cheese.”
Wish naman ng fans ay magkaroon na ito ng foreigner boyfriend tutal ay naka-move on na sila pareho ng ex-husband niya na sinasabing masaya na sa piling ng girlfriend diumano nito na si Barbie Imperial.
- Latest