Luis, nalaglagan ng endorsements!

Apat na araw na-hospital ni Luis Manzano. Pero noong Huwebes ay nakadalo na siya sa opening ng Barako Fest 2025 sa Lipa City, Batangas.
May konti pa siyang ubo pero nakasali na siya sa whole day event sa pagsisimula ng Barako Fest 2025 na dinarayo ng mga mahihilig sa kapeng barako.
Kakandidatong Vice Governor ang mahusay na TV host at aniya ay handa na siya sa pag-uumpisa ng kampanya sa local position – March 28 up to May 10 – 45 days.
Kaya siya na mismo ang nagkuwento na nawalan siya ng apat na endorsements.
Hindi na raw nag-renew ang mga ito matapos ang announcement na papasukin niya ang pulitika.
Ayon pa sa mister ni Jessy, tanggap niya ang decision ng mga kumpanya o brand na tapusin muna ang kontrata niya matapos ang mahaba-habang pagkukumbinsi sa kanya ng inang si comebacking governor Vilma Santos.
Makaka-tamdem niya ang inang si Star For All Seasons.
“To be honest, lahat naman tayo matatanda na sa industriyang ito, sa katunayan marami sa mga endorsement ko ang hindi na nag-renew. Agad-agad nu’ng naisipan namin na mag-file ng COC (certificate of candidacy), isa ‘yun sa sinabi ni Gov. Vi, kumakain kami that time.
“Sabi ni Gov. Vi, ‘Anak, alam na alam ko ang industriyang ito kapag pumasok ka sa pulitika, sa maniwala ka o sa hindi, kahit ang endorsements mo mawawala. Sa katunayan tatlo o apat na endorsements ko ang nag-pull out na,” pag-amin ni Luis habang nasa entablado.
Pero wala raw siyang magagawa at napaghandaan niya ang ganung scenario. Nanghihinayang siya, pero maluwag niyang tinanggap ang lahat dahil bahagi ‘yun ng desisyon niyang pasukin ang public service.
“Sabi ko, naiintindihan ko naman ‘yun, pero ‘yung income ko tatamaan talaga. Sabi nga ni Gov. Vi, which is ramdam ko sa start pa lang, sabi niya, ‘Anak, mabawasan ka man ng commercial, ng endorsements, e, masarap naman ang tulog mo dahil marami ka namang natutulungan na tao,’” katuwiran niya tungkol doon.
Walang binigay na brand si Luis kung anu-ano pero kung mahilig kang manood ng TV, mahuhulaan mo ang mga ito.
Nakapag-taping na rin siya ng finale episode ng Rainbow Rumble sa Kapamilya Network.
Nabanggit din ni Luis na hindi madali ang naging desisyon niya na kumandidatong Vice Governor katulad sa nauna niyang kuwento.
“Umabot pa po na nung nag-usap kami ni Jessy, nag-iyakan kami. Dahil sabi nga po, hindi biro ang buhay ng isang lingkod-bayan. Akala po ng iba mahirap ang buhay ng isang artista pero mas mahirap po ang buhay ng isang lingkod-bayan. Dahil wala na itong telebisyon, wala na itong patawa, wala na itong mga papremyo, here and there. Ang pinag-uusapan na rito ay ang buhay ng mga Batangueño. Nag-iiyakan kami, ayaw niya nung una,” bahagi ng pagkukuwento ni Luis.
Pero sa bandang huli ay naramdaman niya na ito na ang tamang oras para tulungan ang kanyang inang kumakandidato ulit ng gobernador.
Bukod kay Luis tumatakbo rin ang kapatid niyang si Ryan Christian bilang congressman sa 6th district ng Batangas.
Silang tatlo kasama ang iba pang opisyal at lider sa Batangas ang nanguna sa pagbubukas ng Barako Fest 2025.
Hindi naman nakadalo sa ginanap na press conference si Finance Secretary Ralph Recto.
Tatagal ang Barako Fest hanggang ngayong araw na dinagsa ng local travelers and tourists.
Kasama sa nasabing event ang pag-ikot nila Manila-Batangas Bypass Road kung saan nakiisa ang maraming negosyo mula sa iba’t ibang bahagi ng Batangas.
“The third edition of the Barako Festival, which opened here Thursday, is not just a celebration of Batangas province’s high-quality coffee variety.
“It also highlights the top products of each city and municipality and how they create jobs and boost the local economy.
“Hotels are fully booked. Restaurants are always full. It couldn’t get any better than this,” ang pahayag ni Bryan Diamante, ang president at chief executive officer ng Mentorque Productions, na siyang punong-abala sa naturang event sa Lipa City.
Coco, papasukin na ang pagpo-produce ng kanyang show?!
Excited na si Primetime King Coco Martin sa pagsasama-sama ng mga sikat na artista at beteranong mga pangalan sa industriya para sa FPJ’s Batang Quiapo, na nagbubukas ng bagong yugto para sa ikatlong taon ng serye.
Sa Tatak BQ: The FPJ’s Batang Quiapo 2nd Anniversary Special, ikwinento ni Coco kung gaano siya kasaya sa oportunidad na ito. Kamakailan nga lang ay inanunsyo ang bagong cast members tulad lamang nina Andrea Brillantes, Jake Cuenca, Angel Aquino, Albert Martinez, Chanda Romero, Celia Rodriguez, at marami pang iba.
“Overwhelming para sa akin. Kasi imagine n’yo na mapasama lahat kami and mga baguhang artista, tapos makasama namin mga veteran actor na mga icon na sa industry. Napakasarap kasi hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng ganitong klaseng pagkakataon,” saad ni Coco.
Para kay Andrea, inamin niyang nape-pressure siya sa pagsalang sa isang bigating cast. “I am feeling a bit pressured, pero I am more grateful than I am pressured. I will use that pressure as motivation to be better kasi iba ang experience dito sa ‘BQ.’ Matagal ko nang nire-request na gusto ko mag-action.”
Malaki rin ang pasasalamat ni Jake na muling makatrabaho si Coco matapos nilang magsama sa ilang Kapamilya teleserye noon na itinangkilik ng mga manonood.
“I’m really grateful to be part of this big and successful project. I’m just excited to experience the best version of Coco Martin,” sabi ni Jake.
Proud din ang veteran actresses na sina Chanda at Celia na mapabilang sa napakahalagang serye at excited na rin sila na makaeksena si Coco.
“I’ve heard so much about Coco and I know of the success of ‘Batang Quiapo’ and I wanted to see this guy in action and see it first-hand,” kwento ni Chanda. Sabi naman ni Celia, “I’m so proud that I’m here. Everybody wants to be in this cast.”
Samantala, ipinahayag din nina Albert at Angel kung gaano sila kasaya sa kanilang pagbabalik-aksyon kasama si Coco matapos nilang mapabilang sa FPJ’s Ang Probinsyano kung saan importanteng mga karakter ang ginampanan nila.
Mapapanood ang three-part special ng Tatak BQ: The FPJ’s Batang Quiapo 2nd Anniversary Special sa Facebook pages ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN at sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.
Pero totoo kayang magsasarili na ng production si Coco pagkatapos ng contract niya sa Kapamilya Network?
John en Marsha actress Matutina, namatay na
Hindi na kilala ng Gen Z, pero nawala na naman ang isa sa iconic commedienne ng entertainment industry na sumikat noong panahon ng John en Marsha, si Matutina.
Si Matutina na Evelyn Bontogon-Guerrero sa totoong buhay ay sumakabilng buhay kahapon, Valentine’s Day, sa edad na 78, ayon sa anak niyang si Shiela Guerrero.
Nagsimula si Matutina sa radyo bago siya nakilala sa telebisyon particular na sa John en Marsha na napapanood sa RPN Channel 9 mula 1973 hanggang 1990.
Tumatak sa lahat ang matinis na boses niya na isang kasama ng mayamang Doña Delilah G. Jones (ginampanan ni the late Dely Atay-Atayan).
Talagang ‘di mo malilimutan ang boses niya na parang kinukurot sa singit ang tili na nasa timing ang mga bitiw ng punch line.
Bukod sa John en Marsha, nakilala rin siya sa mga programang At Your Service, Matutina, Ang Inyong Lingkod Matutina, Dancing Master 2, and Kapag Baboy Ang Inutang.
- Latest