Bianca, nilinaw ang boundaries sa BFF ni Ruru

Natanong ang Kapuso actress na si Bianca Umali tungkol sa opinyon niya kung sakaling merong girl best friend ang boyfriend niyang si Ruru Madrid.
Sey ng aktres ay nagsimula raw ang relasyon nila na best friend nito si Mikee Quintos, habang meron din daw siyang guy best friend.
Ipinakilala raw nila ang isa’t isa sa kanya-kanyang best friends at malinaw raw ang boundaries sa pagitan ng mga kaibigan nila.
Mahalaga raw ang honesty at transparency sa lahat ng oras.
Mahalaga rin daw na nililinaw sa isa’t isa ng magkarelasyon kung sino ang mga kaibigan at ano ang mga nangyayari para maiwasan ang mga ‘di magagandang sitwasyon at ‘di pagkakaintindihan.
Maaalalang pinag-usapan sa social media kamakailan ang nangyari kina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo kung saan nagkaroon ng matching tattoo ang partner ng inactive actress sa BFF nito.
Hindi napigilan ng anak ng pumanaw na si Jaclyn Jose na mag-hanash tungkol sa ginawa ng isang Swedish photographer at ng partner niya.
Wala raw kaalam-alam si Andi sa plano ng dalawa na magpalagay ng matching tattoo at sobrang nasaktan nga siya.
Well, mukhang wala namang pinagseselosan si Bianca kay Ruru dahil lutang nga ang pagka-in love nila sa isa’t isa.
Feeling nga ng fans malapit na itong mag-propose sa Sang’gre actress. Bongga.
- Latest