^

Pang Movies

SB19 at BINI, sikat hanggang china

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
SB19 at BINI, sikat hanggang china
BINI

Inspiring and heartwarming ang kwento ng OFW na si Marianne Lourdes Leonor na 13 years nang nagtatrabaho bilang teacher sa Hubei Pro­vince in China.

Si Teacher Marianne or Mary for short ang nagsilbing guest kahapon (Feb. 14) sa Pandesal Forum ni Wilson Lee Flores na ginanap sa 86-year-old Kamuning Bakery.

Ito ay bilang pagdiriwang na rin sa 50th anniversary of Official Fil-China Diplomatic Relations at pagtalakay sa relasyon ng Pilipinas at China sa gitna ng kontrobersiya sa territorial dispute.

Maraming kwento si Teacher Mary tungkol sa naging buhay niya sa China at sa kanyang mga estudyante. Kitang-kita na masaya siya sa kanyang trabaho at dedicated sa kanyang craft.

Marami rin siyang challenges na pinagdaanan at maraming pagkakataon na naho-homesick siya pero sa kabila nito ay marami rin daw blessings na dumating.

Natanong nga kung sino ang gusto niyang gumanap na aktres sakaling isasapelikula ang buhay niya and she named her three favorite celebrities na sina Dimples Romana na actually ay kamukha niya, Iza Calzado and Mylene Dizon.

“They’re very versatile, I watch their movies, I watch their shows in China, I really admire them,” sey ni Teacher Mary.

Nakumusta rin namin sa kanya ang Philippine Entertainment sa China at aniya ay marami raw sikat na Filipino artists sa China kabilang na dito ang BINI, SB19, Lea Salonga, Marcelito Pomoy at KZ Tandingan.

“One thing they know about Filipinos – teachers, my students – first thing that comes in their minds about Philippines is singers. Singers talaga,” aniya.

Tungkol naman sa nangyayaring territorial dispute over West Philippine Sea ng China at Pilipinas, ayon kay Teacher Mary ay nalulungkot din siya subalit sinigurado niya na hindi raw apektado ang mga OFW sa China ng problemang ito.

Samantala, kinikilala ng Federation Of Filipino Chinese Chambers Of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) headed by its President, Dr. Cecilio K. Pedro ang dedikasyon ni Teacher Mary sa kanyang propesyon at paghubog ng mga kabataang isipan at pagtulay ng mga kultura sa pamamagitan ng edukasyon.

Barbie, inaliw ang sarili sa Korea

Idinaan na lang ni Barbie Forteza sa pamamasyal sa South Korea ang kanyang Valentine’s Day kahapon.

Ito ang first Valentine ng aktres na wala na sila ni Jak Roberto after seven years of relationship.

Matatandaang inanunsyo ni Barbie na nag-break na sila ng aktor sa isang Instagram post niya last January.

Sa kanyang recent IG posts ay makikitang nag-e-enjoy ang aktres sa pamamasyal sa South Korea.

Huling post niya kahapon ay mga larawan niya habang nasa Oatt Brunch, Seongsu-dong siya.

Caption niya, “They say KPop Idols come here so I took my chance, hoping to meet one. Nagbill out na ko’t lahat, wala pa rin.”

Noong isang araw naman ay ibinahagi  niya ang larawan niya habang nasa isang restaurant siya sa Gangnam District.

“Well-deserved brunch after walking for an hour just to get to this place. Yes, it was worth it. p.s. ang sarap sana nung pasta kaso yung bg music,” caption ng aktres.

Sa mga larawan niya ay makikitang nag-iisa lang siya although hindi naman natin alam kung may kasama ba siya o talang solo lang siyang nag-travel.

BINIBINI UNIVERSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with