^

Pang Movies

Manila International Filmfest, pupuntahan ni first lady

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Hindi man natuloy ang ikalawang taon ng Manila International Film Festival nung Jan. 30 – to Feb. 2, 2025 which will feature the 10 movies na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival, matutuloy pa rin ito sa darating na Marso 4 hanggang March 7, 2025 na nakatakdang ganapin sa iconic TCL Chinese Theatre in Hollywood sa Los Angeles, California, USA. Habang ang Tribute Gala Night at awarding ay gaganapin naman sa The Beverly Hilton ng Beverly Hills, California on March 7, 2025.

Inaasahan ang pagdalo ng mga opisyales ng Metro Manila Film Festival na pangungunahan ng MMFF and MMDA Chairman na si Atty. Don Artes maging ng producers, lead stars and directors ng sampung pelikulang kalahok sa 50th MMFF. Inaasahan din ang pagdalo ng Unang Ginang na si Atty. Liza Araneta-Marcos.

Dahil sa pagkakabalam ng 2nd MIFF, marami umano sa mga lead star ng pelikulang kalahok ang hindi makakadalo.

Ang tickets sa Gala and Awards night on March 7 ay mabibili sa halagang $268.61 ang isa.

Ang 2nd MIFF ay kasama sa aming itinerary sa L.A. pero dahil naurong ang petsa nito ay hindi na rin namin ito mapupuntahan.

Samantala, kahit bakasyon ang aming pakay sa L.A. ay nakuha pa rin na­ming makipagkita at makapanayam ang ilang kilalang celebrities na sa nasabing state na naka-base at kasama sa mga ito ang mag-asawang Krista Ranillo-Lim at Nino Lim, ang aktres na isa na ngayong nurse na si Princess Punzalan (Bernadette Field na ang gamit niya sa Amerika), ang singer-actress na si Tootsie Guevarra, ang singer na si Michael Laygo na sa Las Vegas, Nevada naman naka-base.  

Hindi naman kami nagkaroon ng pagkakataon na makita ang dalawa pang Las Vegas-based actresses na sina Jobelle Salvador at Leni Santos. 

Nagkita naman kami ng Vegas-based na ring si Malou Isorena-Tingley, dating member ng OctoArts dancers na matagal nang married sa isang American. Wala na rin kaming oras na makipagkita pa kina Anjanette Abayari, Paco Arespacochaga, Bunny Paras, G Tongi at iba pa.

Pero ang maganda Salve A. ay nakadaupang-palad namin ang pinakabagong Filipino boxer champ, ang WBC Featherweight champion na si Mark ‘Magnifico’  Magsayo, 29, kasama ang kanyang misis na si France Ardie-Magsayo na limang taon na ring namimirmihan sa Los Angeles, California para matutukan ang kanyang training sa pagboboksing.

Tulad ng Filipino boxing hero na si Manny Pacquiao, nagmula rin siya sa mahirap na pamilya.

Pitong taong gulang pa lamang siya nang siya’y magkainteres sa boksing. 

Aminado siya na si Manny ang kanyang idolo, inspirasyon at mentor kaya tuwang-tuwa siya nang ito’y kanyang makadaupang-palad at kunin siya sa ilalim ng MP Promotions.

Si Mark ang tinatayang ‘Manny Pacquiao in-the-making’ na may return bout sa dating WBC Featherweight champion na si Gary Russel, Jr. na naagawan niya ng korona. Ito’y mangyayari sa darating na May 3, 2025 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Umaasa siya na makakarating sa kanyang laban ang kanyang idol na si Manny Pacquiao kahit busy ngayon sa pangangampanya sa pagiging senador.

MANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with