Club DJ Jellie Aw na binugbog daw ng fiance, nagpasaklolo sa NBI
MANILA, Philippines — Kinondena ng Gabriela Women’s Party (GWP) ang diumano’y pambubugbog sa club disk jockey at influencer na si Jellie Aw ng fiancé nitong si Jam Ignacio.
Nanawagan ang GWP sa mga awtoridad na magkaroon ng masusing imbestigasyon at panagutin ang gumawa nito sa club DJ.
“We call on authorities to ensure a thorough investigation and hold the perpetrator fully accountable. Justice for DJ Jellie must be swift, and systemic changes must be made to truly protect women from all forms of violence,” pahayag nila.
Dagdag nila ay ang nasabing insidente ay nagpapatotoo sa patuloy na nakakaalarmang karahasan laban sa kababaihan o Violence Against Women (VAW) sa kabila ng mga batas na pinatutupad.
“Hindi punching bag ang kababaihan. No woman should have to endure abuse, yet many continue to suffer in silence due to fear, stigma, victim-blaming, and the lack of effective support systems,” pagdidiin ng Gabriela.
Pinuri naman nila ang katapangan ni Jellie Aw sa ginawa nitong pagsasalita sa pamamagitan ng pagbahagi ng mga ebidensya ng mga pinsalang itinamo niya.
Maaalalang nag-post ang DJ ng mga litrato niya na bugbog-sarado kung saan sinabi niyang diumano’y halos patayin siya ng ex ni Karla Estrada.
Dumulog naman kahapon si Jellie sa NBI para ireklamo ang diumano’y pananakit ng karelasyon.
Sinabi niyang selos ang dahilan ng pananakit nito at idinetalye niya kung paano siya sinaktan ng fiancé. Nabasag ang ngipin niya at tinahi ang labi niya. “‘Yung ginawa niya sa akin, hindi ko makakalimutan ‘yun. Iba ang trauma e… Harapin mo ‘yung ginawa mo sa akin,” mensahe niya kay Jam.
- Latest