Heart, 40 na!

Kwarenta na ngayong araw si Heart Evangelista.
Aniya, marami siyang natutunan sa mga pinagdaanan na common knowledge naman sa buong showbiz.
Pero pinatunayan pa rin niyang ‘di siya kayang pataubin.
“Tomorrow will be 40 years in, and I’ve learned that growth isn’t always easy, but it’s always worth it.
“ I’ve come to love every part of me—flaws, fears, and everything in between. I’ve learned things the hard way, but more importantly I’ve learned to forgive myself.
“The journey has shown me what truly matters: love, peace, and being true to myself.
“I’m stepping into this next chapter with so much gratitude, knowing every step has brought me exactly here, to this moment.?
“#Chapter40”
Sylvia, nakapamili ng mga Korean film
Itutuloy ni Sylvia Sanchez ang pamimili ng mga pelikula sa iba’t international film market.
Napag-aralan na raw nila sa Nathan Studios kung paano mag-‘add to cart’ ng mga pelikulang may potential kumita at may aral na matutunan ang mga manonood na Pilipino.
‘Pag namimili ka raw kasi sa mga international film market, hindi mo pwedeng panoorin nang buo ang pelikula, magbabase ka lang sa trailer. “Pumupunta kami sa isang booth tapos tinitingnan lang namin kung... ‘ah parang maganda ‘to, parang maganda ‘yan’ ganoon lang,” umpisang chika ni Ms. Sylvia.
“So ‘yon, pinipili namin. Dapat alam mo—may instinct ka bawat pelikula. Kasi ‘yong trailer p’wedeng hindi maganda, pero talagang mayroong... lahat naman ng napipili namin okay naman, alam mo ‘yon e,” impormasyon ni Ms. Ibyang (Sylvia) nang makausap namin pagkatapos ng advance screening ng palabas na ngayong animated film na Buffalo Kids na distributed ng Nathan Studios at nabili nila sa Cannes Film Market.
“Like itong Buffalo Kids, careful ako kasi ito ‘yong first distribution na talagang solo ng Nathan, amin talaga ‘to. So nung andoon kami, ipinakita sa’min na “parang ang ganda nito, ang ganda nito,” alam mo ‘yon?”
Iba’t ibang genre aniya ang target nilang bilhin. “‘Yong susunod tungkol sa mga magulang… ang ganda. Basta iba’t iba toh,” dagdag pa ng actress na mas tinututukan ngayon ang kanilang kumpanya na bukod sa movie distribution ay nagpo-produce rin ng concert at pelikula.
Pero kapag bumili ka ba ng pelikula marami agad or pakyawan ba ‘yan? “Depende, kung marami akong magustuhan. Namimili ako e. ‘Yong last na punta ko, napabili kami ng animation tapos dalawang Korean films.”
Picnic ang title ng isa sa Korean movie na aniya ay kuwento tungkol sa pamilya. “Family drama. Pinagpipilian na namin ngayon ang kasunod kasi like ‘yong Picnic [is] about mga senior, lola’t lolo. Ita-tagalize namin na mga celebrity talaga ang dubber,” impormasyon pa ni Ms. Ibyang.
At ang isa sa Korean movies na nabili nila, starring si Lee Seung-gi.
Ga’no kalaki ‘yong sinugal mo para sa Buffalo Kids? “Malaki. Malaki—basta, basta susugal ka. And good thing naman, lahat naman ng sinugalan namin [ay] maganda naman.”
Once na mabili nila ang pelikula, sa kanila na ang rights nu’n sa Philippine territory.
Anyway, gustung-gusto na niyang madagdagan ang kanyang apo kina Zanjoe Marudo and Ria Atayde.
Gigil na gigil daw siya sa baby pero hinahayaan muna niya ito sa kanyang mga magulang. Hihintayin daw muna niyang lumaki-laki ito bago niya ‘itakas,’ sabay halakhak niya.
Singaporean author, nagluluksa rin kay Chef Margarita
Maging ang Singaporean author ng Crazy Rich Asians, China Rich Girlfriend, Rich People Problems, among others na si Kevin Kwan ay nagluluksa sa pagpanaw ng award winning and legendary chef na si Margarita Fores. “Remembering @margaritafores and the spectacular feast she created for the World Travel and Tourism Dinner hosted by @tourism_phl. Thanks @bernsrp for finding this photo of us all together!” post ng sikat na author.
Bumabaha sa social media ang pakikiramay sa namayapang chef habang nasa Hong Kong.
- Latest