^

Pang Movies

Alexa may paandar, nati-trigger sa alikabok!

Lanie B. Mate - Pang-masa
Alexa may paandar, nati-trigger sa alikabok!
Alexa

MANILA, Philippines — “Wow!” ang nasambit ng mga nakapanood sa press presentation ng cast ng Liwanag sa Dilim. Sa gitna ng kanilang rehearsal sa studio ng Mirror theater sa Makati last Wednesday ng hapon ay nagkaroon ito ng press presentation.

Halos kalahating buwan na lang ang paghahanda ng grupo para sa bagong handog ng 9 Works Theatrical na Liwanag sa Dilim na tampok ang mga kanta ni Rico Blanco noong Rivermaya days.

Imagine tatlong kanta pa lang ang pinarinig nila, pero literal na spectacular na ang kanilang input lalo na ang kakaibang rendition ng Liwanag sa Dilim na kanta. Walang itulak-kabigin ang lead stars na sina Khalil Ramos at Alexa Ilacad. Super galing din ang kanilang ka-alternate na mga bida gaya nina Anthony Rosaldo, Vien King, at Nicole Omillo. Kahit ang mga member ng ensemble ng grupo ay panalo na napakaganda at masarap pakinggan ang blended performances during press visit pa lang ha.

Talagang excellent ang batuhan ng aktingan at kantahan nina Khalil at Alexa na punung-puno ng emosyon sa kanilang expression at boses.

Araw-araw ang rehearsal ni Alexa sa studio. At umiiwas muna siya sa matatamis at citrus lalo na ngayong malapit na ang kanilang playdate. Pinagbabawalan pala si Alexa ng kanyang doctor sa maaalikabok dahil na natri-trigger ang kanyang lalamunan at ilong. Kaya iwas muna siya sa mga alikabok dahil sobrang intense pala ang kanyang allergy kapag sinumpong ito.

Katulad daw nung every show niya sa Walang Aray ay talaga raw sarado ang kanyang lalamunan dahil daw sa matindi niyang allergy. Sana raw this time ay maiwasan niya ang mangyari ‘yun ulit.

Nanggulat din si Alexa na impressive ang kanyang performance sa kantang Kisapmata na nakaka-LSS.

“Sa totoo lang po, nagulat din ako nung nangyari ‘yun. Kasi ang usapan ay kantahan lang. Hindi ko alam kung bakit na-feel ko. Happy naman ako. Siguro ganun po talaga kahit naman sa pag-arte. ‘Yung emotion ay hindi siya something na pinaplano ko. Pero ‘pag nandun na po ako sa eksena or sa kanta. Kung ano talaga ang nararamdaman ko bilang character ay ‘yun na lang ang lumalabas talaga,” paliwanag ng isa sa bida ng Liwanag sa Dilim.

ALEXA ILACAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with