Derek, na-bash sa pag-invalidate kay Andi

Nagsalita ang aktor na si Derek Ramsay tungkol sa kontrobersiya kina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
Sa exclusive interview ni Ogie Diaz sa mister ni Ellen Adarna ay hindi nito napigilang magsalita dahil malapit sila sa sinasabing BFF ni Philmar na si Pernilla Sjoo na ka-matchy matchy niya sa tattoo.
Nadamay raw kasi siya at misis na si Ellen dahil malapit na kaibigan din nila si Pernilla kaya napilitan na rin siyang magsalita.
Tinawag ng aktor na ‘irresponsible’ si Andi sa ginawa nitong pag-post ng pagkonsulta sa ChatGPT at hindi raw sa totoong tao humingi ng payo.
Hindi raw nito inisip kung paano makakasira sa isang tao ang ginawa niya lalo na’t aware ito sa impluwensiya at followers niya.
Ang nakakainis pa raw sa nangyari ay ang ginawang pag-post ni Philmar na ok na sila ng partner niya at sana raw ok na rin ang lahat pero sey ni Derek ay hindi raw sila ok dahil nasaktan nito ang kaibigan nila. Ni hindi raw ito humingi ng tawad na matalik din naman niyang kaibigan.
Bakit raw hindi man lang ito magpakita ng decency at respeto kay Pernilla at linisin ang pangalan nito.
Gets naman daw niya ang betrayal na naramdaman ni Andi pero sana raw ay nakipag-usap ito kay Pernilla nang face-to-face kesa i-post ito. Pagkatapos nga raw ng gulo nila ay nag-post na lamang ang mga ito na ok na sila at nag-dinner na kasama ang pamilya nila na parang walang nangyari habang si Pernilla raw ay takot sa buhay niya dahil sa mga natanggap nitong threats.
Wala nga raw itong intensyon na saktan si Andi at si Philmar naman daw ang lumapit sa BFF niya.
Lahat daw ng relasyon ay nagkakaproblema kahit sila raw ni Ellen pero hindi nila iyon pino-post sa social media.
Kinuwestyon pa niya ang intensyon ni Andi sa ginawa nito at tingin daw niya ay intensyon nitong sirain si Pernilla.
Mensahe niya nga bilang lalake ay hindi niya iyon gagawin bilang respeto sa misis niya kahit may problema sila.
Marami pang sinabi si Derek pero hindi nagustuhan ng mga nakapanood ng video ang ginawa nitong pakikisawsaw.
Wala raw ito sa posisyon para i-invalidate ang nararamdaman ni Andi.
Tinawag pa siyang ‘perfect’ ng mga netizen dahil sa ginawa nitong pagdepensa sa kaibigan. ‘Kaloka.
- Latest