Karla, suwerte sa pakikipaghiwalay

Salbahe ang ilang netizens dahil sa mga comment na nakarma raw si Jellie Aw, ang fiancee ni Jam Ignacio na diumano’y binugbog nito. Bago kasi ang away ng dalawa na nauwi raw sa pananakit ni Jam kay Jellie, nagpa-manicure ito at ang pangalan ng manikurista na na-assign sa kanya ay Carla.
Pinost ni Jellie ang picture ni Carla at kahit tinakpan ang face, kita naman ang name plate nito na nakasulat ang pangalan. Ang caption ni Jellie sa post niya ay “Ayoko nlang magtalk emeee Go ate Carla.”
Inalala rin ng netizens ang pagse-shade ni Jellie sa ex ni Jam na si Karla Estrada na ipinag-react ni Karla. Kaya sabi ng netizens, nakarma siya dahil after pala ng pagpapa-manicure niya naganap diumano ang pananakit sa kanya ni Jam habang nasa loob sila ng sasakyan.
Sabi naman ng ibang netizens, kahit may mga pang-shade si Jellie kay Karla, mali pa rin ang ginawa ni Jam na manakit ng babae lalo na at fiancee pa niya.
Sa nangyari, walang kasalang magaganap dahil hindi siguro papayag si Jellie at ang pamilya nito na magpakasal pa siya kay Jam.
May mga comment pa na dapat magpasalamat si Karla na hindi sila nagkatuluyan ni Jam dahil baka saktan siya nito kapag nagtagal pa ang kanilang relasyon. Bagay na ipinag-reak ng iba, hindi raw magagawang saktan ni Jam si Karla dahil matatakot kay Daniel Padilla at sa isa pang anak na lalake ni Karla.
Edu, nagluluksa sa kaibigang si Margarita Fores
May pa-tribute si Edu Manzano sa kaibigang si Margarita Fores na pumanaw noong isang araw. Kasama sa madamdaming post niya ang photos ni Margarita at sa isang larawan, makikitang nagsasayaw silang dalawa. May photo rin si Margarita kasama sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.
Sabi ni Edu, “To my dear friend Margarita, your presence will be deeply missed but your memories will live in my heart forever. I am grateful for the moments we shared and the laughter we created together. Rest in paradise my friend.”
Hindi lang si Edu ang nalungkot sa biglaang pagpanaw ni Margarita, pati nga mga hindi nito personal na kilala at nababasa lang ang pangalan o kaya’y napapanood siya sa telebisyon, nalungkot din.
- Latest