^

Pang Movies

Barbie movie, napansin ang acting mannerisms

Salve V. Asis - Pang-masa
Barbie movie, napansin ang acting mannerisms
Barbie

MANILA, Philippines — “Making a film is like buying real estate,” ang pananaw ni Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Films.

Dahil kahit 50 years na raw ito, nasa ‘yo pa rin ng copyright ng ginawa mong pelikula. “Wala ka na, ‘yung mga anak mo na, baka mga apo, andyan pa rin. ‘Yung mga gusto mong sabihin by way of making a movie nariyan pa rin, makikita pa rin ng future generations,” katuwiran ng kontrobersiyal na abogado at movie producer nang makausap namin sa Kamuning Bakery recently.

Ginamit niya pang halimbawa sa paggawa ng pelikula ang isang monologue sa Hollywood film na Babylon starring Brad Pitt.

Meron aniyang eksena roon ang isang movie writer na kinokompronta nito ang character ni Brad Pitt na isang actor. “You can’t help it. Talagang ganyan ang cycle sa movie. Mag-uumpisa ka, sisikat, malalaos ka. It’s not because of anything else. It’s a cycle. But don’t worry, 50 years from now, every time someone plays your movie, they will watch you. Everyone who has made that movie, kahit wala na sila, parang kilala ka pa rin ng mga nakapanood.”

Dagdag pa niya : “It’s like a painting; it’s like a building, it’s a lasting legacy.”

Pero sa kasalukuyan ay hindi pelikula ang pinagkakaabalahan ni Atty. Topacio kundi ang mga reklamong criminal at graft sa Office of the Ombudsman laban kay House Speaker Martin Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, dating House appropriations committee chair at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, at Acting appropriations committee chair Marikina Rep. Stella Quimbo.

Kaya hindi rin niya napanood ang pelikula ni Vice Ganda na And the Breadwinner Is... na nag-number 1 sa 50th Metro Manila Film Festival.

Na rason kaya hindi niya na-validate kung totoo ang kanyang naunang akusasyon na kopya ang plot ng movie sa isang old film.

Pero ang mina-manifest ni Atty. Topacio ay makapag-produce ng pelikula na bida si Barbie Forteza.

Bilib daw siya kay Barbie at kailangan lang nitong mag-tone down sa acting mannerisms na nasa director lang naman pero meron daw ‘depth’ ang Kapuso actress.

Hindi pa rin nila nauumpisahan ang biopic ni former senator Greg Honasan na pagbibidahan ni Sen. Robin Padilla dahil election campaign na for midterm elections.               

BARBIE FORTEZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with