^

Pang Movies

Dolly de Leon, nahirapang maghurado sa Oscars

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Dolly de Leon, nahirapang maghurado sa Oscars
Dolly de Leon

One for the books pala ang latest achievement ng Pinay actress na si Dolly de Leon. Isa lang naman siya sa hurado sa Oscars / 9th Academy Awards.

Sosyal.

Ayon sa column item ni Gorgy Rula sa Pilipino Star NGAYON, bumoto na raw muna ang actress bago bumalik ng bansa.

Sa March 2 na ang Oscars sa Dolby Theatre ng Hollywood.

Na siyempre ay hindi niya pwedeng ichika kung sino ang mga binoto niya nang makausap  ng ilang writer sa sa preview ng stageplay na Anino Sa Likod ng Buwan.

Bumoto raw si Ms. Dolly sa major categories -  Best Picture, Best Actor, Actress, Director, at iba pa.

“Sa acting branch, pati sa film branch. So pati yung… actually, lahat. Lahat, lahat nung… pero yung initial vote kasi, yung para makapasok, yung actors lang talaga ang puwedeng botohin,” sabi niya sa interview.

At kinarir daw niya ang pagiging hurado kung saan 25 films diumano ang pinanood niya na nagbigay sa kanya ng stress.

“Kasi kailangan mo talagang panoorin, e. And then even if mahirap panoorin yung pelikula, kailangan mong tapusin. May mga ganun,” kuwento niya pa.

Heart, reyna pa rin ng haute couture

Winner na naman ang pagrampa ni Heart Evangelista sa katatapos na Paris Haute Couture Week. Pang-lima pala siya sa The Top Influencers of Haute Couture SS25.

Ayon sa ranking ng Lefty’s Top 5 Key Voices, nakabuo siya ng higit sa $2.9M Earned Media Value (EMV), na patunay kung gaano kalakas ang impluwensiya niya sa social media, at kabilang sa mataas na traction ang kanyang mga rampa ay para ay sa  luxury brands na Schiaparelli at Dior na pareho namang nakapasok sa Top 5 Brands ngayong season.

Nanguna naman sa listahan ang South Korean musician na si Jennie of Blackpink na humamig ng $16.85M.

Sumunod ang American influencer na si @kyliejenner na may EMV na $7.57M; na sinundan ni @sooyaaa__ ($5.01M) at Kendall Jenner ($3.67M) at si Heart na ang sumunod.
 Sa totoo lang, inaabang-abangan ng madadatung na mga tita ang sinusuot ni Heart at silently, namimili sila ng mga nirarampa nito, ‘di na raw pino-post sa social media pero sinusuot sa mga event nila.

Anyway, 40 na this Valentine’s Day si Heart at ang dami nang nagbibigay ng party sa kanya.

Pero fans inis sa screenshot post ng komedyante

Julia ginawang memorable ang birthday ni Dennis

Naging mas memorable ang nakalipas na birthday ni Dennis Padilla.

Ito ay dahil sa kanyang mga anak, sina Julia at Leon, na naalala siyang batiin sa kanyang kaarawan.

Nag-celebrate ng 62nd birthday ang komedyante noong February 9.

Ayon sa text ni Leon “Happy birthday Papa. God bless always” kasama ang praying emoji.

At ipinost nga ito ni Dennis at may caption na : “So happy for this message... Salamat anak... Love you Leon ”

“Happy birthday Pa, hope you have a good day and year ahead. Good health and more blessings,” text naman ni Julia.

Caption naman ng komedyante : “Dear juy... Ty for remembering... Miss you anak... Love you ”

Halos pareho ang sagot niya sa dalawang anak, niyaya ang dalawa na mag-dinner soon.

Wala pang screenshot post si Dennis kung ano ang sagot ng mga anak sa kanyang imbitasyon na dinner.

Nauna nang inamin ni Dennis, sa finale interview, para sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, kung saan natanong siya kung ok na ba sila ng mga anak niya?  “Kasi gumawa naman ako ng greeting, ‘Merry Christmas,’ mga ganun. Tapos nag-record ako ng song para dun sa mga… nasa IG ko yun, e. Nag-record ako ng song para sa mga bata, ‘di ba?

“Wala, parang nag-e-expect, parang iniintay ko na reaction, ganun. E, parang nalungkot lang ako, kasi parang hindi na naman ako nabati ng Christmas saka New Year.

JK Labajo, proud jowa sa bagong Reina Hispanoamericana

Proud boyfie si JK Labajo sa bagong koronang Reina Hispanoamericana 2025, ang girlfriend niyang si Dia Mate, sa ginanap na grand coronation night sa Santa Cruz, Bolivia.

Tinalo ng singer-songwriter ang 24 iba pang kandidata na rumampa sa naturang international beauty pageant.

Si Dia ang ikalawang Pinay na nanalo sa naturang pageant na unang iniuwi ni Winwyn Marquez noong 2017.

Siya ang papalit sa trono ni Reina Hispanoamericana 2024 Maricielo Gamarra mula sa Peru.

DOLLY DE LEON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with