^

Pang Movies

Buffalo Kids, iniyakan ng mga nanood; Sylvia walang planong sumuko sa MMFF

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Buffalo Kids, iniyakan ng mga nanood; Sylvia walang planong sumuko sa MMFF

Ang gaan panoorin ng animated feature film na Buffalo Kid ng Nathan Studios.

May kurot sa puso kaya perfect for Valentine’s Day.

Magbubukas ito sa mga sinehan bukas, Wednesay, February 12.

Kuwento ito ng ibang klaseng pagmamahal ng magkapatid at magkakaibigan.

Kaya naman, hindi napigilan ng lahat ang maluha nang magkaroon ito ng special screening last Sunday na ginanap sa Cinema 12 ng Gateway Cineplex.

Nakakadurog ng puso ang kabutihang hatid ng mga batang karakter sa bawat eksena.

Kaya naman enjoy ang  maraming inimbitang bata ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde na umuwing bitbit ang mga natutunan sa napanood na pelikula na nabili ni Sylvia sa Cannes Film Festival Film Market.

Ang kuwento ay hindi lang para sa mga bata, swak din ito sa mga nagmamahalan.

Tampok sa Buffalo Kids ang mga boses nina Alisha Weir, Conor MacNeill, Gemma Arterton, Sean Bean, at Stephen Graham.

Sumikat ang pelikula matapos maipalabas sa Annecy International Animation Film Festival (Annecy, France) noong June, 2024 at mabilis itong naging paborito sa Europe at Asia.

Ngayon, mapapanood na nga ito ng mga Pinoy dahil sa misyon ng Nathan Studios na mag-explore pa ng mga bagong posibilidad sa cinema at magpalabas ng high-quality, family-friendly films.

Kwento itong ulilang magkapatid na Mary at Tom at ang paghahanap nila sa tiyuhing si Niall.

Sa paghahanap ng dalawa sa tiyuhin, makikilala nila ang ulila ring si Nick, na dahil lumpo’t may cerebal palsy ay walang gustong kumaibigan at umampon dito.

Ang tanging nangangalaga kay Nick ay ang head mistress na si Elenor at si Mary.

Ang ganda ng mensahe sa walang katapusang pagbibigay-pag-asa ni Mary kay Nick, pati na ang lakas ng loob na naibabahagi niya rito para maniwala sa sarili at kayanin ang anumang pagsubok.

Ang pagkakaibigang nabuo sa pagitan ng dalawang bagets ang nagsisilbing core ng pelikula.

Inspired ito ng naging relasyon ng dalawang anak ng co-director nitong si Pedro Solís García — sina Alejandra at Nicolás — na unfortnately ay sumakabilang-buhay na.

 Anyway, ang Buffalo Kids ay mula sa direksyon ni Gabo Galdochi.

Samantala, nabanggit ni Sylvia pagkatapos ng preview ng movie na tuloy rin ang pagsali nila sa Metro Manila Film Festival sa kabila nang naging karanasan nila sa nagdaang filmfest.

In fact, mag-uumpisa na raw silang mag-shooting nito. At ang target nila, pambatang pelikula.

Usap-usapan nawala kasing mga pambata na ipinalabas noong nakalipas na MMFF kaya hindi sumampa sa P1 billion ang kita nito.

“Basta marami kaming natutunan sa nangyari,” ay ni Ms. Sylvia.

Entry nila noon ang pelikulang Topakk starring Arjo Atayde and Julia Montes.

“Gigiling na ang Nathan Studios ulit, pang MMFF. Ngayon yung Topakk, R18, R16 kami…kasi yung Topakk was intended ‘yun abroad. Sinama lang namin dito sa Metro Manila Filmfest. Sinubukan namin, tinry and ang dami naming learnings, ang dami naming natutunan.

“Tapos ngayon siyempre, hindi naman puwedeng sa isang laban lang susuko ka, dapat lumaban ka nang lumaban, para manalo ka ‘di ba?

“Parang maging maayos yung pagsali mo sa MMFF. Saka hindi lang yun. Yung mga ipapalabas mo rito, ang daming learnings dun, so maa-apply mo rito kahit hindi sa Metro Manila Filmfest,” pahayag ni Ibyang.

Samantala, kilala ang Nathan Studios sa pagsuporta sa mga top-tier films mula sa iba’t-ibang genres — mapa-aksyon, comedy, drama, at marami pang iba.

At ang Buffalo Kids ay aligned sa misyon ng studio sa pagawa ng creative risks at sa pag-explore ng mga bagong posibilidad sa cinema, lalo na ngayon at layunin nito sa pagpapalabas ng mga high-quality, family-friendly films.  

VALENTINE’S DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with