Jak at Jackie, ang lakas ng dating!

Marami ang natuwa na nakaka-move on na si Jak Roberto. Marami kasi ang kinilig sa viral dance video nila ni Jackie Gonzaga noong mag-guest ang Kapuso hunk sa It’s Showtime.
Sa viral video ay mapapanood na sumasayaw sila habang tumutugtog ang Earth, Wind & Fire classic na Let’s Groove. Meron na itong 13.4 million views.
Sa comments section ng post, marami ang biglang naging fans ng dalawa dahil sa husay nilang sumayaw.
Sabi pa ng isang Facebook user, “luh bat parang bagay cla.”
Ayon pa sa ilang commenters, may potensyal na maging love team sina Jak at Jackie.
Una nang napansin ang chemistry nina Jak at Jackie nang mag-post ang aktor ng kanilang litrato sa Facebook habang nasa set nga sila ng It’s Showtime.
Dito ay makikitang nakatakip ang bibig ni Jackie ng kanyang kamay habang nakatitig kay Jak. Tila lumakas daw ang sex appeal ni Jak noong maging single ito.
Mukhang mabubuwag na ang fandom nila ni Barbie Forteza na JakBie dahil meron ng JakJac.
Si Jackie naman ay hiwalay na raw sa longtime boyfriend nitong si Tom Doromal.
Demi, ‘di pumapalya ng dalaw kay Bruce
Kahit matagal na silang hiwalay, hindi pumapalya si Demi Moore na bisitahin ang ex-husband na si Bruce Willis who is suffering from frontotemporal dementia.
Para kay Demi, blended family sila at magkasundo sila ng kasalukuyang misis ni Bruce na si Emma Heming.
“We will always be a family, just in a different form. For me, there was never a question. I show up because that’s what you do for the people you love,” sey ni Demi na kapapanalo lang ng best actress award sa Critics Choice Awards for The Substance.
- Latest