Kinonek kay Sue ng netizens Mayor Javi, may hugot sa Siargao?!

May post si Victorias City Mayor Javi Benitez tungkol sa Siargao na ikinonek sa ex-GF niyang si Sue Ramirez at sa boyfriend nito ngayong si Dominic Roque.
Sabi ni Javi, “Siargao? Daw may lain nga tubig kag hangin didto haw? Makarelax sa lawas, pero makastress sa heart. #224.”
Ang ibig daw sabihin ng post ni Javi ay “Siargao? Parang iba ang tubig at hangin doon? Nakakarelax sa katawan, pero nakakastress sa heart.”
Marami ang nag-agree sa post niya na ito hindi lang dahil sa controversy nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
Sa Siargao rin diumano nagsimula ang romansa at relasyon nina Sue at Dominic. May mga relasyon ding nagtapos sa Siargao.
May mga nagtanggol naman kay Javi sa nag-akusa sa kanyang nakisawsaw sa Andi-Philmar isyu, nag-react lang daw ito gaya sa marami sa atin na nag-react at nakisawsaw.
Herlene, nilabas ang kabaliwan sa afam
“Crazy” ang description ni Kevin Dasom kay Herlene Budol na lead actress sa bagong afternoon series na Binibining Marikit, description na sinang-ayunan ni Tony Labrusca. Kuwento ng dalawa, nag-enjoy silang katrabaho si Herlene at noong nasa Japan sila, mas lalo raw lumabas ang pagka-crazy ng leading lady nila.
Nakakatuwa naman ang kuwento ni Herlene kay Nelson Canlas na sa dalawa niyang leading men, nauna niyang naging close si Tony at may rason siya.
“Si Tony ang mas nauna kong naging close. Obvious naman kasi, hindi ko kayang kausapin kaagad ‘yung AFAM, ‘di ba?”
“Inaangkop niya ‘yung sarili niya kahit hindi niya ako maintindihan, kala mo nga nagsa-sign language lang kami,” ayon pa kay Herlene sabay pakita ng aksyon niya kapag nagtatanungan sila ni Kevin kung kumain na.
This Monday na ang pilot ng Binibining Marikit, 2:30 p.m., sa GMA 7 sa direction ni Jorron Lee Monroy.
“Sa first week, masaya lang. Makikita niyo dito paano makipag-bondng ang isang Marikit sa kanyang ama. Makaka-relate dito ‘yung mga single fathes, single mother na nag-aalaga at tinataguyod ang kanilang mga anak nang mag-isa,” ayon pa kay Herlene.
Pagpasok nina Almira (Rica Torres) at Thea (Angela Torres) sa buhay nina Ikit (Herlene) at ama niyang si Isagani dela Cruz (Cris Villanueva), magugulo na ang buhay ng mag-ama. Pinaaabangan ni Herlene ang mga eksena nila nina Almira at Thea at dito na magagalit at maha-high blood ang viewers.
- Latest