^

Pang Movies

Nadine, kinainggitan sa morning dip

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinalandra ng aktres na si Nadine Lustre ang kaseksihan sa kanyang post kung saan nagtampisaw siya sa dagat.

Puring-puri siya sa mga ipinost niya habang suot ang two-piece bikini na may caption na “morning dip.”

Ilan nga sa litrato niya ay habang nakaupo siya sa tuwalya sa dalampasigan habang ang isa ay pinakita niya ang buong katawan at hindi nga raw ito nagpaawat sa pagpapakita ng kaseksihan. Body goals daw talaga ito.

Marami nga ang nainggit at pumuri sa skin color nitong morena na Pinay na Pinay na bumagay sa kanya.

May nagkomento naman na sobrang Latina raw ang beauty ng karelasyon ni Christophe Bariou at lutang din ang beach glow nito.

Boses ni Anne, kuhang-kuha ng anak

Kinaaliwan ang video na pinost ng It’s Showtime host na si Anne Curtis habang nagdu-duet sila ng anak na si Dahlia para sa kanyang late Jan­uary dump ng mga photo at video kung saan sinabi niyang “This year is going by too fast.”

Sa caption niya ay inisa-isa niya ang highlights ng kanilang January at ilan nga sa mga iyon ay ang mga trip nila sa mga beach sa Boracay at Zambales.

Ganundin ang video ng duet nila ng anak kung saan hindi napigilan ng misis ni Erwan Heussaff ang tawa sa anak nila habang kinakanta nila ang Eternal Flame dahil feel na feel din nito ang pagbirit sa kanta mala-Anne.

Maririnig nga rin ang pagtawa ni Erwan sa video.

Ayon nga kay Anne sigurado siyang namana ng anak ang pagbirit niya at sinabing “She got it from her mama. “Key of Anne” hard to reach and imitate but she did well.”

NADINE LUSTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with