^

Pang Movies

Boobay, sinadya ang pagiging pikon

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Inamin ng Kapuso comedian na si Boobay na totoong nagkapikunan sila noon ni Karen delos Reyes sa dating show na Extra Challenge noong 2012.

Binalikan ni Boobay ang pangyayari sa Extra Challenge kunsaan isa siya sa co-host ng programa. Sinadya raw niyang maliin ang pagtawag sa apelyido ni Karen na ginawa niyang “Delos Santos” sa halip na “Delos Reyes.”

Paliwanag ni Boobay, gusto niya lamang biruin si Karen noon. Imbes daw na sakyan ‘yung biro niya, tila napikon pa raw ito at humantong pa ito sa sigawan.

Sey ni Boobay: “‘Yun ang first break ko rin, sabi ko ‘Ay hindi ako papayag. Lalaban ako!’”

Hanggang sa mapakalma sila, tinuloy ang taping ng show. Naging magkaibigan pa raw ang dalawa after ng lahat.

Happy naman si Boobay dahil tumagal ng seven years ang The Boobay And Tekla Show nila ni Super Tekla sa GMA 7.

Vampire Slayer, may reboot

Kinumpirma ng Hollywood actress na si Sarah Michelle Gellar na magkakaroon ng reboot ang kanyang pinagbidahan noon na series na Buffy the Vampire Slayer.

Umere ang naturang show for seven seasons mula 1997 hanggang 2003. Ang Oscar-winning director na si Chloé Zhao and nag-convince sa kanya na buhayin ulit si Buffy.

Hoping din ang 47-year-old actress na ma-reunite sa iba pang cast members tulad nina Alyson Hannigan, Nicholas Brendon, James Marster, David Boreanaz, Michelle Trachtenberg and Anthony Head.

BOOBAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with