Andrea, pinagpapantasyahan ng doktor na kano

Hot babe talaga si Andrea Brillantes kahit sa mga afam.
Head over heels daw ang ilang miyembro ng US medical team na ka-join sa military exercises sa bansa. More than 2,000 American troops at Filipino soldiers ang sumali sa island-based exercises sa amphibious landings, live fire at humanitarian assistance ng Philippine Marine Corps last October.
Ilusyon daw talaga ng ibang miyembro nito ang sexy actress lalo na raw ‘pag nakikita ang billboard ni Andrea sa EDSA.
Kaya naghanap pa raw ng Pinoy konek ang nasabing mga Amerikanong doktor.
Bongga na ‘yun. Good catch kung sakali. Doktor na afam.
Pero kasaluyan na raw nasa US ang mga ito pero excited daw bumalik ng Pilipinas para makilala talaga si Andrea.
Ex ni Andrea ang cager na si Ricci Rivero na hindi maganda ang naging ending.
Anyway, nauna nang inamin ni Andrea na may mga suitor siya at handang ma-in love sa tamang lalaki.
Sa press conference ng Star Magic Spotlight kamakailan, tinanong si Andrea kung may mga suitor ba siya lalo na’t tinanghal siyang pinakamagandang babae ng Independent Critics na TC Candler sa buong mundo.
Aniya, before pa naman ng kanyang Most Beautiful award, mayroon naman talaga siyang mga manliligaw. Pero hindi raw siya talaga nakaka-focus doon, katulad last year, like, inaamin daw niya na, ‘Sorry, pero I don’t really date o like ganyan ‘yung hinahanap ko’,” sabi niya kung ba’t hindi agad siya nakipagrelasyon.
Kathryn, may slight na pasilip sa puwet!
May pa-alindog si Kathryn Bernardo sa latest post niya sa Instagram.
Two in one kumbaga, isang paalala sa self-care na may pino-promote na produkto.
“My daily reminder to take a pause and embrace self-care! Luckily, I’ve found the sweetest escape in Zion Executive Pro and Zion Himalayan Sauna,” sabi ng actress.
Nasa sauna siya na naka-white bikini at lutang ang kaseksihan na kita ang legs with slight na pa-butt exposure.
Ilang photo rin ‘yun na paalala na alagaan ang sarili. Effective of course kaya dinagsa ito ng puso ng kanyang friends and followers.
Si Alden Richards naman ang naisip nila na sana ay kasama niya sa sauna.
Herlene, napi-pressure
Kasunod ng tagumpay ng kanyang debut series na Magandang Dilag, magbibida si Herlene Budol sa pinakabagong GMA Afternoon Prime, ang Binibining Marikit.
Ginagampanan ni Budol ang papel ni Marikit, isang matalino at malakas ang loob na miyembro ng Dumagat Remontado na katutubong tribo. Bilang isang tour guide para sa travel agency ng kanilang pamilya, natagpuan ni Marikit ang kanyang sarili sa gitna ng labanan upang protektahan ang lupain ng kanilang ninuno mula sa mayayamang land developer.
Ang kuwento ay sumasalamin din sa kanyang mga personal na pakikibaka, kabilang ang pagkawala ng kanyang ina at online romance na hindi mangyayari.
Kasama niya sa Binibining Marikit sina Pokwang, Tony Labrusca, Kevin Dasom, Almira Muhlach, Thea Tolentino, Cris Villanueva, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras and John Feir.
Aniya, mas improved na siya rito bilang isang actress base sa mga natutunan niya sa Magandang Dilag.
“Ang dami kong natutunan sa Magandang Dilag, at siniguro kong itama ang mga pagkakamali ko noon dito. Dahil bago pa lang ako, pinag-aralan ko talaga ang bawat karakter. Habang magkaiba ang Magandang Dilag at Binibining Marikit, pareho sila ng puso,” aniya sa ginanap na mediacon ng series last week.
Sabi pa niya, mas magaan ito, kesa sa una niyang ginawa. “Kung ikukumpara sa Magandang Dilag, medyo magaan ang Binibining Marikit, pero ang karakter ay nagdadala pa rin ng matinding emosyon. Ang mga usapin sa pamilya ay laging malapit sa akin, kaya sa seryeng ito, mas marami kang makikitang puso, at mga emosyong diretso sa puso,” dagdag pa ni Budol na hindi naman nawawala ang pagiging kikay.
Sa pagiging hit ng Magandang Dilag, inamin ni Budol na nakaramdam siya ng pressure na pantayan ang tagumpay nito. “Minsan iniisip ko kung suwerte lang ba ang tagumpay ko sa Magandang Dilag. Marami akong pagdududa — kung magagawa ko pa ba ito at kung tatanggapin pa rin ako ng mga tao. Ang Magandang Dilag ay parang nag-audition ako sa GMA, at ang mabigyan ng isa pang project sa Binibining Marikit ay malaking tagumpay na,” sabi pa ni Herlene.
Ito naman ang unang pagkakataon ni Tony sa GMA 7. “So far, working with Herlene has been a joy. It’s my first time working with a lead actress who brings so much energy to everyone on set. She does double the work.
“We come to work and do our best, but I’m happy that the set has this kind of energy na very light and supportive,” pahayag ng actor.
Pero nangako si Herlene na hindi na siya mai-in love sa ka-partner.
“Ayaw ko magsalita nang tapos. Pero, ayoko rin maulit ‘yung trauma na binigay sakin nung last co-actor ko na parang ang bigat na hindi ako na-ipagtanggol,” katuwiran niya.
Catch Binibining Marikit from Mondays to Saturdays at 2:30 p.m. on GMA Afternoon Prime.
Cristine, ayaw tantanan
Bidang-bida pa rin si Cristine Reyes hanggang ngayon.
Ito ay dahil sa kanyang viral Facebook post tungkol kay Barbie Hsu at sa kanyang birthday.
“Maligayang kaarawan sa akin. Yun na lang.. oks na? Kailangan palaging perfect. Bawal magkamali nowadays.. May kalupitan na kapalit sa mga bagay kapag nagkamali e, diba? Marahil ako nga talaga ay nag-luluksa ngayong kaarawan ko. Good? Ang daming magagaling sa mundo,” pagtatanggol sa sarili ng actress.
Eh kasi naman, parang nagtitipid sa post.
Leandro, ‘di kinaya ang sistema ng pulitika
Hindi pa rin handa sa Pulitika ang actor na si Leandro Baldemor.
Aniya, ang hirap ng pulitika. Nauna na siyang kumandidatong board member noong 2024 pero sadly, hindi niya raw talaga kaya ang sistema ng pulitika.
“Mahirap ang pulitika ‘pag hindi ka pa handa. Marami ka pang kailangang i-consider. Unang-una, pera, ‘yun ang katotohanan,” umpisa niya nang makausap namin kahapon.
Inaalok siyang mag-vice mayor sa isang bayan sa Laguna pero ‘yun nga, mas gusto raw niyang tutukan ang kanyang negosyo, isa siyang sculptor, at marami siyang suking mga simbahan kung saan gumagawa siya ng retablo at mga santo. Ganundin ng mga lamp post na made of wood and fiber glass kaya malaki ang kita.
Kasalukuyang napapanood si Leandro sa Ang Himala Ni Niño sa TV5 na layunin na palakasin ang mga halaga ng pamilyang Pilipino sa mga manonood. Bida sa Himala ni Niño ang child star na si Zion Cruz. Kontrabida ang role ni Leandro sa nasabing serye.
- Latest