Kris, naisalba ni Bimby sa aksidente sa banyo
A“Gaining strength,” ang latest health update tungkol kay Kris Aquino base na rin sa Facebook post ng kanyang best friend and confidante na si Dindo Balares.
Makikita rin sa post ni Dindo ang ipinadalang larawan sa kanya ni Kris noong Jan. 25. Very visible sa close-up photo ng Queen of All Media ang reddish spots sa kanyang mukha. “Kuha at ipinadala niya sa akin ang left photo last January 25.
“‘Allergens still in my body,’ kuwento niya,”
“’Praying hard na ma-flush out na lahat, Krisy,’ sabi ko. May pagbabago akong napansin, na agad kong sinabi. ‘You’re glowing!!!’”
“’I just don’t have wrinkles, Kuya Dindo,’ reply niya,” ang simula ng caption ni Dindo.
Naikuwento rin niyang iniiyakan pa rin ni Kris ang kanyang severe body pains.
“Ang labis kong hinahangaan kay Kris, ang kanyang faith na hindi natitinag,” saad pa ni Dindo.
Kasunod nito ay ikinuwento ng dating entertainment editor ang nangyari kay Kris. Nadulas daw ito sa banyo at tumama ang kanyang siko at tuhod sa marble wall.
“Last Tuesday, ito ang kanyang message: ‘Kuya Dindo i lost my balance sa bathroom- tumama my elbow and knee. Parang biglang nanghina my left knee so i hit the marble wall,’” saad ni Dindo.
Mabuti na lang daw at mabilis ang bunsong anak ni Kris na si Bimby na nagmistulang action star dahil naagapan siya agad para hindi tumama ang ulo niya.
“Praise God when i shouted Bimb, he jumped from the bed and daig nya ang action stars kasi sya less than 5 seconds from when i shouted he was there- na prevent nya my head slamming into the marble wall. Bimb is my hero,” ang kwento ni Kris.
‘Yun nga lang, hindi raw maganda ang latest blood result ni Kris kaya humihingi ng dasal ang Queen of All Media.
“Pangit my (latest) blood test results. More prayers,” ani Tetay.
“Mahaba pa, pero tuloy ang laban!” saad ni Dindo.
But the good news, unti-unti na nga raw lumalakas si Kris.
“‘Ilang weeks nang laging mahaba at masarap ang kanyang tulog. Unti-unti nang nababawi ang kanyang lakas. Pero dapat pa ring maghinay-hinay, lalo na sa paglalakad na walang nakaalalay,” pahayag pa ni Dindo.
Sandara, dinalaw ni Alden!
Sa wakas ay na-meet na rin ni Sandara Park si Alden Richards.
And guess what? Si Alden pa mismo ang bumisita kay Sandara sa set ng upcoming K-pop survival show sa TV5 na Be the Next: 9 Dreamers na iho-host ng Pambansang Krungkrung.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Dara ang dalawang larawan nila ni Alden at sa caption ay nagpasalamat siya sa aktor sa pagbisita sa kanya.
Ang nasabing post ay pinusuan ng katakut-takot na netizens at maraming fans ang nagre-request na gumawa sila ng project together dahil bagay raw silang pagtambalin.
Well, let’s wait and see kung mapagbibigyan ang kanilang request.
- Latest