^

Pang Movies

Dating sexy star, hindi na bet ang lalaki

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Ikinuwento ni Aleck Bovick sa cooking talk show na Lutong Bahay na noong nakaraang taon lang niya napagtanto sa edad na 39 ang kanyang tunay na gender identity. “Bata pa lang kasi ako meron na ‘kong napi-feel, napapansin sa sarili ko pero ‘di ko siya pinansin, in-entertain, tuluy-tuloy lang. The way ako kumilos, the way ako pumorma, the way ako magsalita. Yes, nasa LGBT world tayo ngayon,” ayon sa former sexy actress.

Noong nakaraang taon bago siya mag-40 anyos, naramdaman daw niya na parang may kulang sa buhay niya. Nahanap din niya ang partner sa buhay niya. “Kung ganito talaga ako, kailangan ‘kong tanggapin, kailangan ko siyang i-accept,” sabi niya.

John, namana sa kapamilya ang katapangan

Kilala si John Arcilla bilang isa sa mga mahuhusay na aktor sa telebisyon at pelikula. Kahit anong role na ginagampanan niya, marami ang humahanga sa kanyang talento at dedikasyon bilang artista.

Isa sa mga karakter na nakilala siya ay ang matapang na bayani na si Heneral Luna. Naging iconic ang kanyang role dahil sa kanyang talento na kayang takutin ang mga manonood sa pamamagitan lang ng facial expressions at pinapakitang tindig on camera.

Ngayon, gumaganap muli bilang kontrabida si John sa GMA Prime series na Lolong: Bayani ng Bayan, kung saan parehas madalas makitang galit at matapang ang kanyang karakter.

Sa isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinunyag niya ang sikreto kung paano niya napanatiling intense ang kanyang mga eksena.

Ayon sa kanya, inspirasyon niya ang kanyang mga magulang at ginagamit ang kanyang karanasan noon sa bahay nila. “Iyon siguro sa family namin ganoon. May ganoon kaming klaseng intensity sa bahay na kahit hindi ka nagsasalita, minsan ‘pag alam mong galit ang parents mo, ang mother mo, ‘yung tatay mo kahit hindi nagsasalita, nanginginig ka na lang. (Mapaisip ka), ‘Ano’ng sasabihin niya pag-uwi ko?’ Or kahit hindi siya nagsasalita, ‘Ano’ng sasabihin mamaya?’”

Dagdag niya, “Siguro din sa kinalakihan ko nga sa family. Kung paano kami mag-express ng emotion from the elders, at tsaka sa mga matanda pa sa parents ko.”

Bilang beteranong aktor, masaya siya na makasama at makatulong sa young aspiring actors sa showbiz.

Sa usapang mentorship, handa naman daw siya na magbigay ng suggestions sa tuwing nagtatanong ang ibang stars.“Hindi ako nag-i-invade ng isang tao kung, ‘Ah! Kailangan niya ng tulong,’ hindi,e. Kailangan kong maramdaman na open siya roon or gusto niyang makakuha ng idea from me. Pero kung hindi, hindi ako magta-try or hindi ako mag-i-invade ng space ng isang tao.”

Kasama si Martin del Rosario, binibigyan nila ng buhay ang kanilang villain roles sa Lolong: Bayani ng Bayan.

LGBT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with