^

Pang Movies

Pokwang, panay ang paalala kay Herlene

SO CHISMIS ITOH - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa pagbabalik ni Pokwang sa paggawa ng teleserye paglipas ng dalawang taon, bongga raw ang role niya sa Binibining Marikit sa GMA Afternoon Prime.

“Kung dati laging mahirap ang role ko, ang yaman-yaman ko as Mayumi rito. Isa siyang Japayuki na sinuwerte at mga anak ko rito ay ang mga guwapo na sina Tony Labrusca at Kevin Dasom. Panoorin n’yo kung paano ko sila naging mga anak,” sey ni Pokwang na huling napanood sa teleserye na Lolong noong 2022.

Mas lalo raw silang naging close ni Herlene Budol na bida sa serye. Magkasamang naghu-host sila ng TiktoClock mula Lunes hanggang Biyernes. 

“Kaya kilalang-kilala ko na itong si Herlene. What you see is what you get. Ang feeling ko sa batang ‘to, ‘di mo s’ya kailangang manduhan kasi kapag minanduhan mo siya, mawawala ‘yung naturalesa niya. 

“Sinasabi ko nga sa kanya, go with the flow. Kung ikaw ‘yan, ikaw ‘yan. ‘Di mo kailangan mag-pretend. Maganda ‘yung lumalabas talaga ‘yung naturalesa.”

Para na rin daw ina si Pokwang kay Herlene kaya panay ang payo nito kapag nagse-share si Herlene ng mga problema niya.

“Alam naman natin pagdating sa pamilya, talagang tutok-putok ‘to. ‘Yung mga kinikita niya, binibigyan ko siya ng advice, ‘yung mga pinaghihirapan niya kasi ‘di tayo laging nasa spotlight. So dapat nag-iisip tayo ng fallback. Nakikinig naman si bakla sa akin,” diin ni Mamang Pokwang.

Kristoffer, sinulit ang bakasyon sa Japan

Nag-celebrate ng kanilang 3rd wedding anniversary sina Kristoffer Martin at AC Banzon.

Pinost ng Kapuso hunk via Instagram ang romantic date nila sa isang restaurant. 

“Tatlong taong kasal. Mahal kita palagi @acbanzooon,” caption pa ni Kristoffer na kinasal kay AC noong Feb. 3, 2022 sa Capas, Tarlac.

Bago nga raw magsimula sa taping si Kristoffer sa teleserye na Cruz vs. Cruz with Vina Morales and Gladys Reyes, sinusulit niya ang mga travel vacation kasama ang kanyang misis at ang eight-year-old daughter nilang si Pré.

Last month ay nagliwaliw sa Japan ang pamilya ni Kristoffer kunsaan nabisita nila ang Mount Fuji and Tokyo DisneySea.

Kanye West, inamin ang autism

Naging open ang American rap artist and producer na si Kanye West sa pag-diagnose sa kanya with autism. Ayon kay West, mali raw ang diagnosis sa kanya noon na may bipolar disorder siya.  “My wife took me because she said, ‘Something about your personality doesn’t feel like it’s bipolar, I’ve seen bipolar before.’ And come to find out, it’s really a case of autism that I have. I haven’t taken the medication since I found out it wasn’t bipolar, that it wasn’t the right diagnosis.”

Ang autism ang naging dahilan ng erratic behavior niya sa mga nagdaang taon. 

“I’m like a grown man, you can’t tell him. You can’t take control of his bank account. You can’t control what I’m saying on Twitter. The constant feeling of not being in control spun me out of control.”

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with