^

Pang Movies

Enzo, nagluluksa sa groomsman

Dianne Canlas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagluluksa ang aktor na si Enzo Pineda sa pagkamatay ng kanyang furbaby na si Oscar.

Ipinost niya ang mga litrato nila kasama si Oscar noong nabubuhay pa ito at pati na rin ang wake nito habang nasa isang Pet Aquamation kung saan bine-break down o dinudurog ang katawan ng isang hayop sa pamamagitan ng water, heat at alkali.

Sa caption ay ramdam ang lungkot ng karelasyon ni Michelle Vito sa pagkawala ng kanyang furbaby.

Ito pa naman daw sana ang groomsman o ring bearer nila kapag kinasal sila balang araw.

“Run free my baby boy @oscar.thefriendlydog Thank you for filling my life and our house with love & joy. Ikaw pa naman dapat groomsman or ring bearer namin balang araw. Masakit man isipin pero tahimik na ang bahay pag wala ka,” mensahe niya kay Oscar.

Nanghihinayang man siya sa pagkamatay nito ay naiintindihan daw niya na may ibang plano ang Panginoon.

“Madami pa sana tayo adventures together but I understand that God has other plans. I am blessed to have a best friend like you my boy and kung saan ka man ngayon ay sana masaya ka watching over us. Thank you and I love you Oscar,” dagdag niya.

Marami ang nalungkot sa pagkawala ni Oscar at inulan nga si Enzo ng pakikiramay mula sa mga kaibigan at netizen.

Alam ng mga ito kung gaano niya kamahal ang alaga niya na madalas nilang makita sa mga social media post nito.

Marami namang furparents ang naka-relate sa pinagdaraanan niya na ang mga alagang hayop daw ay nagiging parte na ng buhay natin kaya kapag tumawid sila sa rainbow bridge, nag-iiwan sila ng malaking puwang sa puso natin.

ENZO PINEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with