^

Pang Movies

BINI, ‘di nagpapaliguy-ligoy sa Pag-Ibig!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahan ang panibagong refreshing at catchy sound ng BINI sa bagong single ng grupo na Blink Twice na mapapakinggan na simula sa Peb. 13 (Huwebes),  9 p.m. sa iba’t ibang streaming platforms.

Inilabas na nga ng grupo na binubuo nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ang cover art ng kanta at available na rin sa social media ang teasers nito tampok ang kilalang makulay na visuals nila.

Para kay BINI Mikha, tungkol ang kanta sa apila na huwag na magpaliguy-ligoy pa pagdating sa pag-ibig. “I feel like the song is about huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa. Let’s go straight to the point,” aniya.

Pang-international release rin ang kanta ayon kay Mikha. “It’s like ‘Cherry on Top,’ we also worked with international producers and songwriters for this one. Of course, we want to give the best for you guys and we want to reach the international stage.”

Inanunsyo nila ang kanilang upcoming single sa pagtatapos ng BINIverse tour noong 2024, na nakabenta ng mahigit 50,000 tickets nationwide at nagtapos sa three-day sold-out show sa Araneta Coliseum.

Sinundan ng Blink Twice ang last full English song ng nation’s girl group na Cherry On Top, na umani na ng mahigit sa pinagsamang 100 million global audio streams at video views.

Sa pinakahihintay na BINIverse World Tour: Philippines concert sa Philippine Arena sa Peb. 15 (Sabado) mapapanood ang unang live performance ng grupo ng Blink Twice.

Mapapakinggan na ang Blink Twice (https://orcd.co/bini_blinktwice) sa digital streaming platforms simula Peb. 13, 9 p.m. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok at YouTube.

BINI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with