^

Pang Movies

Kris, enjoy pa rin sa pagso-shopping!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kris, enjoy pa rin sa pagso-shopping!
Kris Aquino
The STAR/ File

Sa kabila diumano ng pananahimik ni Kris Aquino sa kasaluyan, nag-o-online shopping pa rin diumano ito. Yup, may mga order pa rin daw ito sa kaibigan niyang personal shopper ng mga favorite bag niya para sa kanya at dalawang anak na sina Joshua and Bimby.

Matagal nang hindi nagpaparamdam sa social media si Kris at wala siyang update sa mga ganap sa kanilang mag-iina sa kasalukuyan maging sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

Pero ang isang sure diumano ayon sa mga source, malabo raw itong maging active ulit sa pagho-host. Kailangan pa diumano nitong magpalakas.

huling post niya ay last november pa.

Pagbalik ng Kapamilya franchise, inumpisahan nang pag-usapan

Maitulak kaya sa Congress ang bagong franchise ng ABS-CBN?

Kahapon ay pinag-uusapan ito sa House legislative franchises committee kung saan tinalakay ang status nito.

Matagal bago ulit naungkat ang tungkol dito matapos hindi i-renew ang kanilang franchise noong administrasyon ni former President Duterte.

Kaya naman ang daming pa-hashtag kahapon #IbalikAngFranchiseNgABSCBN.

Pero grabe si Cong. Johnny Ty Pimentel (nabasa ko ang pangalan sa video), talagang sobra ang pagtatanggol niya sa network at ang paliwanag kung ba’t kailangan itong magkaroon ulit ng franchise.

Pero ba’t kaya idinidiin niya sa hearing na iisa lang ang TV station ngayon at walang kalaban na ang tinutukoy ay ang GMA 7? Hindi kaya siya aware na may iba pang free TV channel?

Totoo bang kasama rin naman siya sa mga bumoto nung tanggalan ng franchise ang network?

Anyway, ayon sa representative ng ABS-CBN na si Bobby Barreiro (Chief Partnership Office) : “If restoring our franchise allows us to reach them (our audiences) again and provide more options to all viewers, and if Congress feels this is a worthwhile objective, we would fully support the achievement of the shared ambition. However Congress decides, ABS CBN will remain committed to continuing to transform lives by telling meaningful stories, being a catalyst of love of country and promoting human good. It is this mission that keeps us going day in and day out, fueling our passions in storytelling and service now and in the future. Maraming salamat po.”

Ang iminungkahing panukala, ang House Bill No. 11252, ni Albay Representative Joey Salceda at naglalayong ibalik ang franchise ng network para sa kanilang radio at television broadcasting station nito. Ang panukala ay kabilang sa mga nagpasa sa unang pagbasa sa Kamara  noong Enero 13.

Lisik... movie, ginamitan ng artificial intelligence

Kakaibang zombie action movie ang Lisik Origin Point na first time sa pelikulang Tagalog na mapapanood sa mga sinehan starting Feb. 19. Produced ito ng Domniel International Films Production. “Ang Lisik Origin Point ay tungkol sa mga estudyante, how their normal lives were disrupted. So, you can see, if you watch the movie, makikita natin ‘yung mga interrelationship nila sa isa’t isa, kung paano sila namumuhay, kung sino ‘yung mga magkakaibigan, sino ‘yung mga mga kagrupo. And then, dun sa story, suddenly, their world goes upside down because of an experiment done by one of their professors na nag-cause nitong zombie outbreak na ito. So, mai-explore po natin sa movie ‘yung resilience ng mga student, resilience ng friendship nila at pagtutulungan nila, at saka ‘yung value ng loyalty,” pahayag ng executive producer ng pelikula na si Dominic Orjalo.

At para ma-achieve aniya ang ibang approach nila sa pelikula gumamit na sila ng artificial intelligence. “‘Yun po ang gusto ng kabataan, ng mga millennial, mga young at heart. Saka ‘yung zombies sa ibang movies predictable eh. Parang normal lang siya eh, unlike ito kakaiba kasi guma­mit kami ng artificial intelligence o AI, gumamit kami ng CGI, mga visual effects kakaiba ‘yung amin, na hindi pa nakikita sa mga Philippine mo­vies,” dagdag pa niyang paliwanag.

Ang Lisik Origin Point ay sinusundan ang kwento ni Kara (Grace Rosas Tayo), isang senior high school student na nakipagbuno sa malagim na pagkamatay ng kanyang na-bully na kapatid. Ang kanyang kaklase at kaibigan na si Elisha (Nika De Guzman), ay nilamon ng galit sa mga bully na pinamumunuan ni Max (Jeremiah Allera).

Isang movie fan at favorite genre ni Dominic Orjalo ang science fiction. Na ginawa nga niya rito sa Lisik Origin Point, kakaiba ang istorya at bongga ang special effects.

 Mga estudyante ang bida sa pelikula na ayon sa executive producer ay upang mahasa pa ang talent and skills ng kanilang mga estudyante.  “I want to showcase these talents in the world of filmmaking. And this is just the beginning of an exciting journey for the Filipino film industry,” dagdag pa ni Mr. Orjalo.

At ayon sa producer, umabot sa P10 million ang gastos nila sa pelikulang ito.  Isa sa na-encounter nilang problema ay ang mga naunang humawak nito.

“Naka-ilang director ako na hihingi lang ng budget pero hindi naman nakakapag-deliver,” aniya. Hanggang nakilala niya si Direk John Renz Cahilig.  

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with