^

Pang Movies

Cristine binura ang RIP kay Barbie at birthday post niya!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Cristine binura ang RIP kay Barbie at birthday post niya!
Cristine Reyes at Barbie Hsu

Nag-viral kahapon ang post ng aktres na si Cristine Reyes tungkol sa pag-alala niya sa pumanaw na bida ng programang Meteor Garden na si Barbie Hsu.

Pinag-usapan ng mga netizen ang post niya kung saan magkasama sila ni Barbie sa litrato na may caption na “Rest in peace, our childhood favorite” pero dinagdagan niya iyon ng “also, happy 36th bday sa akin ngayon araw na ‘to. 2•5•25.”

Naloka raw ang mga netizen kung ano ang ico-comment at ire-react nila sa post niya.

Hindi raw nila alam kung magre-rest in peace raw sila o magha-happy birthday sa post ng kapatid ni Ara Mina.

Komento ng mga ito bakit naman daw niya pinagsabay ang kanyang post. Sana man lang daw ay pinaghiwalay nito.

Biro ng mga marites ay kinabog daw nito ang kape sa pag-post nito ng 2-in-1.

Maaalalang pumanaw ang Taiwanese actress dahil sa pneumonia habang nagbabakasyon ito sa Japan kung saan din nila sinelebreyt ng pamilya niya ang Lunar New Year.

Samantala, matapos ang ilang minuto ay binura rin ni Cristine ang post niya.

Mukhang napagtanto nitong wrong move nga ang ginawa niyang pag-post nang sabay sa kamatayan at birthday nila ng childhood favorite niya.

‘Kaloka siya. Nasaan ang common sense.

BARBIE HSU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with