Nilinaw ang tampo sa GMA, Mark dinagsa ng offer sa probinsya

Nilinaw ni Mark Herras na wala siyang sama ng loob sa GMA 7 sa hindi pagre-renew sa kanya ng kontrata. In fact, nagpapasalamat daw siya sa kanyang home network dahil sa narating ng kanyang career.
Matatandaang dumaan naman talaga si Mark sa matinding kasikatan pagkatapos nilang manalo ni Jennylyn Mercado sa StarStruck 1. Ang loveteam nila noon ang isa sa pinakasikat na tambalan that time.
“Nagpasalamat na ako sa narating ko,” ani Mark sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda last Wednesday. “Lagi kong sinasabi ‘yan. I’m very thankful sa GMA sa narating ko na karera. ‘Di ba, alam mo ‘yung sobrang taas namin nila Jen before, pinagkakaguluhan ng tao.
“Then, eventually, parang dumarating ‘yung time na may mga bago, mga bata. Like ako, ‘di ako na-renew sa GMA.
“So, ba’t ko pa siya iisipin na nalalaos ako. Kesa isipin ko ‘yung mga problema o stress sa buhay ko, eh kailangan kong mag-provide, eh,” aniya.
Diretsong tanong ng King of Talk, “may tampo ka ba sa GMA?”
Sagot ng aktor, “it’s more on parang nalungkot lang na parang… nu’ng hindi ako na-renew ng Sparkle. Pero tampo, hindi, kasi Tito Boy, hindi ako matampuhing tao eh.”
Dagdag pa niya, “Kumbaga, ang dami kong kailangan intindihin sa buhay ko kaysa magtampo pa sa network, kesa awayin ko pa si ganito, alam mo ‘yun?”
Napag-usapan din nila ang kontrobersyal na pagsasayaw ni Mark sa gay bar at tulad nga ng paliwanag niya sa panayam kay Toni Gonzaga, wala raw siyang makitang masama sa kanyang ginawa dahil trabaho lang ito.
Hindi raw siya nagpa-table at hindi rin daw siya naghubad. Binanggit din ng aktor na nagpaalam naman daw siya sa misis niyang si Nicole Donesa bago niya ito tanggapin at pumayag naman daw ito since trabaho nga ito.
Inamin niyang may offers sa kanya para mag-table sa customers pero tumanggi siya. “Pumasok ako sa venue nu’ng malapit na po akong sumalang. Nasa kotse lang ako all the time. Then, pumunta ako sa backstage nu’ng malapit na akong mag-perform then I danced like two spots. After that, I said ‘thank you’ and umuwi na po ako,” aniya.
Natanong din kung may tampo siya sa dating manager na si Lolit Solis at sey niya ay wala raw talaga. Hindi nga lang daw sila nagkikita.
At ang nakakatuwang sinabi ni Mark, dahil nga nag-trending at naging viral ang kanyang pagsasayaw sa bar, ang dami raw raket na dumating sa kanya. “Dahil sa nag-trending, I’m very busy now, tito Boy,” natatawang pagmamalaki niya. “Puro outside work nga lang. Puro out of town shows, fiesta, basketball.”
Kiray Celis, kumita ng P8M sa live selling!
Pahinga raw muna sa ngayon sa pag-aartista si Kiray Celis dahil gusto raw muna niyang mag-focus sa bagong mundong pinasok niya at ito ay ang pagnenegosyo.
Yes, CEO na si Kiray ng kanyang sariling slimming and beauty brands na Hot Babe Coffee slimming drink, Hello Bloom Juice, and Day-li Supplements.
Ayon kay Kiray sa intimate presscon held recently, nagsimula raw siyang magkaroon ng ideya sa pagnenegosyo during pandemic nang kumita siya ng tumataginting na P8 million sa live selling.
Ang boyfriend niyang si Stephan Estopia ang nag-encourage sa kanya na magbukas na rin siya ng sariling negosyo.
Naging click agad ang tatlong produktong sinimulan niya at sa ngayon ay milyones na ang kanyang kinikita sa pagbebenta pa lang nito sa kanyang social media pages.
Dahil nga sa ganda ng sales ng kanyang produkto, sinabi ni Kiray na dito muna siya magpo-focus in the meantime more than her showbiz career.
At sa nakikita raw niyang magandang resulta ng kanyang produkto, baka naman daw para sa pagnenegosyo siya talaga.
Ginulat nga ni Kiray ang press dahil sobrang slim niya ngayon at ito ay dahil nga raw sa kanyang mga produkto na epektibo raw talaga.
From 56 kilos, ngayon ay 37 kilos na lang ang dating child actress.
- Latest