Female personality, ramdam ang presence dahil sa ilaw na nakatutok
Malalaman agad ng audience o invited sa isang event, showbiz man o hindi, kapag dumating na ang isang kilalang female personality.
Kasi naman, halos kasabay na darating ni female personality ang kanyang social media team na may dalang, camera at ilaw na nakatutok sa kanya, huh!
Nakatikim na rin kasi ng TV cameras si female personality nung may TV show pa siya. Pero natapos na ito kaya sa social media ang updates sa nangyayari sa kanya ngayon.
Buti na lang nauso na ang vlogging kaya join na rin si female personality sa craze sa digital world!
Iza at Dimples, mananakot sa love month!
Mananakot ngayong love month ang Regal Entertainment after ng cutesy romcom na My Future You nina Francine Diaz at Seth Fedelin.
In fairness, hindi sa Valentine’s Day ang showing ng latest scary flick ng Regal na The Caretakers na pagbibidahan nina Iza Calzado at Dimples Romana.
Tatak na ng Regal ang gumawa ng entertaining horror movie at this time, may bago na naman silang ipakikitang katatakutan sa The Caretakers na sa Feb. 26 mapapanood mula sa direksyon ni Shugo Praico.
- Latest